33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

P33.5-M na halaga ng bangos sa Taal Lake, nasayang dahil sa fish kill

KINUMPIRMA ng mga otoridad noong Linggo ang isa pang insidente ng fish kill sa Taal Lake,
Batangas ang nakapatay sa mahigit 30 tonelada ng bangos na nagkakahalaga ng P33.5 milyon.


Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFaR) Calabarzon regional director Sammy
Malvas na 30 tonelada ng milkfish o bangos ang namatay sa fish cages sa Talisay, Batangas.


Aniya pa, ang fish kill ay nangyayari kapag bumagsak ang oxygen level sa lawa na nagpaparami sa toxins.


Ikinaila ni Malvas na ang fishkill ay dahil sa mga aktibidad ng Bulkang Taal. Malamang na ang
pagbaba raw ng temperatura mula sa mainit o sobrang init tungo sa malamig – dahil sa patuloy na
pag-ulan nitong mga nakaraang araw – ang sanhi ng fishkill.

BASAHIN  BFAR, binawi ang pahayag tungkol sa cyanide fishing


Ayon pa sa BFaR, base sa sample na tubig mula sa lawa, ang level ng dissolved oxygen ay mabilis
na nagbago mula sa 0.92 hanggang sa 3.72 parts per million (ppm) noong nakaraang linggo, mas
mababa kaysa healthy level na 5.00 ppm.


Hinimok ng BFaR ang mga operator ng fish cage na i-harvest na ang mga bangos na pwede pang
iluto at kainin.

BASAHIN  Boss Toyo, IP lawyer nanawagan na itigil na ang pang-iiscam at diskriminasyon sa mga katutubo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA