33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

“TUBIGGGGG!”

SA umaga, tanghali, at maging sa gabi, ang nakabibinging sigaw na “tubiggggg! ang maririnig natin sa maraming komunidad sa Metro Manila (MM) at maging sa karatig-lalawigan sa mga susunod na araw.


Ayon sa National Water Resources Board (NWWB) babawasan ang supply ng tubig-irigasyon sa
Metro Manila maging sa mga kalapit na probinsya, sakaling magtuloy-tuloy ang pagbaba ng level ng tubig sa Angat Dam mula sa 180 meters.


Ayon sa isang source, hindi raw sinabi ng NWWB na kasali sa matinding pagbabawas ng suplay ang ating iinuming tubig, dahil ayaw nilang mag-panic o mag-kilos-protesta ang mga apektadong tao.


Bina-validate pa ng BraboNews ang impormasyong ito.

BASAHIN  MMDA sa LGUs: Magtalaga ng fireworks display zones


Ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bumaba sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa 180 meters, mula 210 meters.

Ang Angat Dam ang nagsu-supply ng tubig sa 90 percent sa buong MM.
Sa ulat ng Pag-asa, bukod sa Angat Dam, bumaba rin daw ang water level sa iba pang dam sa Luzon noong Sabado.


Ang Binga Dam (Benguet Province) ang tanging nakapagtala nang kaunting pagtaas ng water level – sa 568.35 metro noong Biyernes, tumaas sa 568.45 metro nitong Sabado.

BASAHIN  ₱30-K koleksyon nakaligtas sa pulis

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA