33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Trabaho sa Pinoy engineers sa larangan ng semiconductor, atbp.

MALAPIT nang matupad ang plano ng gobyerno na magbibigay-daan sa pagbubukas
nang maraming trabaho sa bansa, sa larangan ng semionductors, automotive, at
integrated circuit (IC} design, simula sa taong ito.


Ito ang pahayag ni Trade and Industry Secretary Fred Pascual matapos ang isa pang
meeting noong Biyernes kasama ang ilang Dutch officials sa The Netherlands.


Dahil sa patuloy na pagtaas ng ating growth rate na umabot sa 7.6 percent noong 2022, at
6.0 percent sa unang quarter ng 2023, malaki ang tiwala ng Team Dutch sa
Administrasyong Marcos, kaya ninanais nilang mamuhunan sa bansa sa nasabing
larangan.


Positibo sina G. Smith ng Holland Semiconductor at Van Endhoven ng High Tech NL sa
patuloy na pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng semiconductor at high-tech
sectors.

BASAHIN  BSK officials, ipagpatuloy n’yo ang trabaho – Tolentino


Sa Oktubre, darating ang isang Dutch trade mission sa bansa para plantsahin ang
kasunduan sa naturang plano. Ang pagpupulong ay pangungunahan ng Business
Connect at ng Dutch Chamber of Commerce of the Philippines (DCCP), sa
pakikipagtulungan ng Philippine Trade and Investment Center (PTIC).


Ayon kay Pascual, “Tayo ay patungo ngayon sa isang mundo na masinsin ang koneksyon
sa komunikasyon pati na sa malawakang paggamit ng digital information, kaya nga
patuloy na lumalaki ang pangangailangan sa mas mabilis na superconductors para sa
maraming industriya. Ito ay magbibigay-daan para sa patuloy na pag-unlad ng ating
bansa.”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA