33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Kongreso, iimbestigahan mga reklamo vs. domestic airlines

ISINUSULONG ni OFW Party-List Rep. Marissa Magsino ang House Resolution
No, 1105 na naglalayung imbestigahan ang maraming reklamo partikular ng
overseas Filipino workers (OFW) laban sa domestic airlines.


“Mayroong marami at paulit-ulit na reklamo mula sa mga pasahero ng domestic
airlines na hindi nakasasakay sa kanilang flight dahil sa overbooking, delays,
pagkansela ng flight, pagkawala ng bagahe, hindi dapat na security checks, at iba
pa, na nagreresulta sa pagkadismaya at frustration ng mga pasahero,” saad ni
Magsino sa wikang English.


Ayon pa sa mambabatas, marami nang kontrata ng ating OFWs ang nakansela at
marami rin ang pinagmulta dahil sa late na pagdating ng OFWs sa kanilang
destinasyon dahil sa delayed o cancelled flights.

BASAHIN  Mahusay na edukasyon, para sa maunlad na pamayanan


“Malaki ang kontribusyon ng aviation industry sa labor migration. Apektado nang
pagbabago ng presyo ng plane tickets, magulong iskedyul, pati na ang mga aberya
sa paliparan ang nakaaapekto sa kabuhayan ng ating OFWs.


Sa nakaraang Senate hearing na nag-ugat sa reklamo sa Cebu Pacific, sinabi ni
Rafael Bartolome, OFW sa Qatar, ang perhuwisyong inabot niya dahil sa paulit-ulit
na pag-cancel ng kanyang flight. Dahil dito, binawasan ng katumbas ng pitong
araw ang kanyang sweldo.


Idiniin ni Magsino na ang “masamang serbisyo” ay hindi lamang nakaka-
perhuwisyo sa mga pasahero, naaapektuhan din nito ang ekonomiya ng bansa,
partikular ang turismo at trabaho sa ibayong dagat.

BASAHIN  PH, ika-14 na ekonomiya sa mundo sa 2075

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA