PINIPILAHAN na nga ba ang opisina ng TAPE, Inc o Television and Production Exponents,
Inc. (TAPE) ng mga Jalosjos?
Ito’y dahil sa gusto raw bawiin ng mga kumpanyang nag-advance ng bayad sa TV
Commercials (TVC) sa TAPE bunsod nang pag-alis nina Tito, Vic, Joey at Dabarkads sa Eat
Bulaga sa GMA 7.
Natatandaang sinabi ni Tito Sotto na nag-advance ang TAPE ng P50 milyon sa advertiser na
PureGold, katumbas ng dalawang taong exposure sa noontime show.
Hindi pa nakukumpirma ng BraboNews kung totoo ang bali-balitang marami na raw
natanggap na demand letters ang TAPE mula sa mga abogado para bawiin ang advance
payments sa kumpanya.
Noong nakaraang Mayo 31, biglaang nagpaalam sa social media sina Tito, Vice at Joey dahil
pinigilan silang mag-live at bilang protesta sa balak ng TAPE na bawasan ang kanilang TV
exposure dahil nalulugi raw ang kumpanya.
Kung matumal ang TVCs sa Eat Bulaga ng Siyete, pwede itong lalong ikalugi ng kumpanya.
Ayon sa ilang ulat, hindi pa raw bayad ang TAPE sa GMA7 nang P57 milyon na halaga ng
airtime para sa Mayo. Hanggang Disyembre 2024 pa ang kanilang kontrata sa GMA7.
Ayon kay Atty. Annette Gozon, senior vice president ng GMA7, apektado raw sila kapag
bumabagsak ang ratings ng Eat Bulaga, at isa ito sa kundisyon ng kanilang kontrata sa TAPE
para kanselahin ang programa. Sinabi ng TV host at showbiz reporter na si Cristy Fermin
na hinihintay lamang ng GMA7 na umayaw ang TAPE at itigil na ang Eat Bulaga para ang
time slot nito ay maibigay sa It’s Showtime ni Vice Ganda
Hinihintay pa ng BraboNews ang opisyal na pahayag ng TAPE Inc. tungkol sa mga isyung
nabanggit.