Satellite office ng DSWD bubuksan sa Pasig City

0

MAGBUBUKAS ng isang satellite office ang The Department of Social Welfare and Development
(DSWD) sa Hunyo 16 para pagsilbihan ang mga parukyano nito sa silangang Metro Manila, na mag-a-apply sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.


Ang bagong satellite office, na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Lianas Supermarket na nasa
Caruncho Ave., Barangay Palatiw, katabi ng Pasig Mega Market, ay pasisinayaan ni U/Sec. Monina
Josefina Romualdez at. Asst. Secretary Uly Aguilar ng DSWD.


Pagsisilbihan ng bagong satellite office ang mga taga Pasig, Marikina, Taguig at Pateros na
nangangailangan ng serbisyo ng AICS.


Noong Abril at Mayo, pinasinayaan ng DSWD ang katulad na satellite offices na magsisilbi sa hilaga at timog na bahagi ng Metro Manila.


Ayon sa DSWD, patuloy na maglilingkod at maghahanap ng mga paraan para mapahusay pa ang
social services ng ahensiya sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Gatchalian.

About Author

Show comments

Exit mobile version