33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Exorcist priest pinaaaresto ng korte dahil sa pangungutya

ISANG warrant of arrest ang inilabas ng korte laban sa isang exorcist priest dahil sa di-umano’y pangungutya, malisyoso at mapanira nitong mga pahayag laban sa Our Lady Mary Mediatrix of All Grace kung saan labis na nasaktan ang mga deboto nito.

Inilabas kamakailan ang nasabing kautusan ni Presiding Judge Madonna Echiverri ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 81, at inaatasan nito ang mga awtoridad na arestuhin si Fr. Winston Cabading ng Office of Exorcism ng Archdiocese of Manila.

Batay sa nasabing utos nakakita ng sapat na batayan ang piskalya na ang nasabing kaso ay isang paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code o offending religious feelings laban kay Cabading.

Nag-ugat ang nasabing kontrobersyal na reklamo ni dating Sandiganbayan Associate Justice at ex-Commission on Elections Chairman Harriet Demetriou sa QC Prosecutor’s Office dahil sa mga pahayag ng pari laban sa kanilang pinaniniwalaan.

Ayon sa salaysay ni Demetriou, binanggit niya na nakita umano sa isang recorded video si Fr. Cabading na pinagtawanan ang ‘pag-ulan ng mga talutot ng rosas’ at ang ‘pagkakaroon ng langis sa imahe ng Birhen’ na siya namang pinaniniwalaan ng mga deboto.

BASAHIN  Tulfo sinupla ng PCSO

Sa isang conference, kinutya rin umano ni Cabading ang matagal nang pinaniniwalaan na mga aparisyon ng Birheng Maria sa Lipa City, Batangas noong 1948.

Idinagdag pa ng dating Comelec chief sa kanyang reklamo ang umano’y pambabatikos ni Fr. Cabading sa serye ng pagpapakita ng himala ng Birhen na nasaksihan ng ilang madre at nakasaad sa umano’y lecture ng pari.

Ang nasabing lecture ay pinamagatang “Basic Catholic Theology on Angels and Demons, Angels in Christian Life,” kung saan hindi lamang ang Our Lady Mary Mediatrix ang kinutya ng exorcist priest kundi ang matindi ay na hinamak pa ng pari maging ang mga deboto nito.

Binigkas din umano ni Cabading ang mga pananalitang ‘demonic’ o may sa demonyo ang nasabing paniniwala ng mga deboto sa Mediatrix of All Grace at ito, ayon pa kay Demetriou ay isang “notoriously offensive.”

BASAHIN  Trabaho dapat ilaan sa 10% na Katutubo

Todo suporta naman si Fr. Pio Aclon, isang pari mula sa Borongan, Samar, at sinabing ang pagsasampa ng kaso ni Demetriou laban kay Fr. Cabading ay kahanga-hangang katangian.

Aniya ang pagtindig ng dating mahistrado para sa Birhen, gayundin sa mga walang tinig at walang kalaban-labang mga deboto ay dapat tularan at suportahan.

Samantala, papalo naman sa ₱18,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ni Fr. Cabading.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA