33.4 C
Manila
Saturday, July 12, 2025

200 katao nakatanggap ng libreng medical assistance mula kay Pasig VM Dodot Jaworski, Robinsons Land

MAY kabuuang 200 Pasigueño ang nakatanggap ng libreng medical assistance mula kay Pasig City Vice Mayor Dodot Jaworski at Robinsons Land bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility program.

Isinagawa ang nasabing medical mission sa Tambakan area ng Barangay San Miguel ng nasabing lungsod kung saan itinuturing na dito nakatira ang marami sa mga mahihirap na pamilya sa Pasig.

Kasama sa isinagawa sa nasabing medical mission ng “RLove Program” ay libreng check-up sa tatlumpong mga kalalakihan para sa libreng prostate examination.

Ang naturang mga kalalakihan ay nakatanggap din ng libreng bitamina at ₱500.00 halaga ng gift cheque upang magamit nila sa pagbili ng kinakailangan nilang gamot sa SouthStar Drug store na affiliate ng Robinsons Retails Holdings, Incorporated.

BASAHIN  SC sa Metro Manila LGUs: pag-isyu ng OVR, pangungumpiska ng driver’s license, itigil na

“Walang-tigil tayong nagtatrabaho para bumuo ng isang mas inklusibong lungsod, kung saan ang bawat nangangailangan ay may matatakbuhan, at ang mga may sakitlalo na ang mga mahihirapay may gobyernong malalapitan. Ito ang dala nating pagbabago sa Pasig,” ang pahayag  ni Vice Mayor Jaworski.

Ang “RLove Program” ng Robinsons Land Incorporated ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang adbokasiya, boluntarismo at katuwang ng iba’t ibang sektor upang mapasulong pa ang buhay sa komunidad.

BASAHIN  Mga estudyante, titser OK magsuot ng duck hair clips—DepEd

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA