33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Tire clamping campaign sa San Juan City, 2 nasampolan

DALAWANG motorista ang nasampolan sa isinagawang tire clamping campaign ni San Juan City Mayor Francis Zamora kaninang umaga sa Club Filipino Avenue sa Greenhills.

Maliban sa Club Filipino Avenue, isinagawa rin ang nasabing kampanya sa Annapolis at Missouri Streets bago lumipat ang grupo sa Mabuhay Lanes at iba pang kalsada sa lungsod.

“Ito po ay base sa rekomendasyon ng ating mga barangay at aprubado na ng ating Sangguniang Panlungsod. Ito ay ating ipapatupad dahil napakahalaga nito lalo na kung may emergency tulad ng sunog,” ang pahayag ni Mayor Zamora.

Ayon pa sa alkalde, “dahil nasa gitna rin po ng Metro Manila ang San Juan, ang mga sasakyan ay passing through lamang, meaning ay mataas ang transient vehicles kung kaya’t kinakailangan ipatupad ang ordinance upang maging deterrent sa mga motorista. Gusto natin magkaroon ng disiplina ang ating mga motorista.”

Ang nasabing kampanya ay nagresulta sa pag-issue ng ordinance violation receipt (OVR) sa isang motorista at ang isa ay hindi pinalad dahil na-clamped ang kaniyang sasakyan.

Ngunit dahil sa makabagong teknolohiya ng pagbabayad, sa loob lamang ng 30 minuto ay naalis ang tire clamp nito dahil kaagad niyang binayaran ang kaniyang penalty gamit ang QR code payment system.

Ang nasabing payment system ay kasalukuyan nang ipinatutupad sa lungsod ngunit hindi kasali sa kampanyang ito ang mga fire trucks, mga police mobile at mga ambulansya.

Ang penalty para sa mga motorsiklo ay ₱500.00, ngunit para sa mga kotse, AUV at mga jeep ay ₱1,500.00. Para naman sa mga cargo trucks, delivery van at mga pampasaherong bus, ang penalty ay ₱2,000.00.

BASAHIN  Mahigit 400 PWUDs, nakatanggap ng pamasko mula sa San Juan LGU

May babala naman si Mayor Zamora para doon sa magtatangka na alisin o sirain ang wheel clamp dahil aniya, ang ipapataw nilang penalty ay ₱5,000.00.

Sinabi pa ni Zamora na hindi naman na aniya mahihirapan pa ang mga motorista kapag na-wheel clamped dahil pinabilis na ng lokal na pamahalaan ang paraan ng pagbabayad.

Hindi na kailangan pang pumunta sa city hall ng mga motorist na na-isyuhan ng violation ticket sapagkat pupuwede na agad silang magbayad online dahil i-scan lamang nila ang QR code na dala ng mga enforcers o maaari rin silang magbayad sa mga bangko nila sa pamamagitan ng StarPay at QRPH Standard.

“Isa sa mga bagong gagawin natin ay ang ating QR code system. Kung kayo ay ma-clamp sa isang lugar na hindi pwedeng pumarada, pwede kayo magbayad agad sa enforcer using QR code. Malaking convenience ito sa mga motorista dahil pwede na sila magbayad on-the-spot. Pwede na ring hindi magpunta sa city hall. Malaking bagay ito dahil lahat naman halos ay gumagamit na ng mga e-wallet platforms,” paliwanag pa ng punong lungsod.

Binigyang-diin naman ni Starpay Product Head Ryan Uy na may dagdag na convenience pay ang nasabing transaksyon, ₱25.00 sa StarPay at ₱50.00 sa ibang e-wallets.

“Meron na pong QR code ang ating mga enforcers, para isa-scan na lang po ito kung may mahuli po pag magbabayad na po sila ng pag-unclamp. Once they scan the QR code, input lang po ang ibabayad na violation plus the convenience fee and input ang purpose kung bakit nagbabayad sa city,” sabi ni Uy.

BASAHIN  Lalaki na most wanted sa Valenzuela City, arestado sa 'One time, big time' operation

Malaking tipid pa rin aniya ang convenience fees na ito kung ikukumpara sa dagdag na gas at bayad sa parking kung pupunta pa sa city hall para magbayad.

Limang oras ang ibibigay na palugit para sa mga clamped vehicles bago ito hahatakin ng lungsod o ng MMDA at dadalhin sa pinakamalapit na impounding station na nangangahulugan ng karagdagang bayarin.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA