33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Kahilingan ng ACT, mapanlinlangā€”VP Sara

ISANG mapanlinlang na taktika ang ginagawa ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) at dinisenyo upang ilihis ang mga tao sa ginagawang tunay na solusyon ng gobyerno sa larangan ng edukasyon.

Ito ang tinuran ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, matapos ihayag ng nasabing grupo ang kanilang kahilingan na dapat anilaā€™y mag-hire ang Department of Education (DepEd) ng 30,000 pampublikong mga guro at maglaan ng ā‚±100 bilyon para sa mga silid-aralan bawat taon.

ā€œAng kanilang panawagan ay hindi kakikitaan ng tunay na pagmamalasakit sa ating mga mag-aaral at kapakanan ng ating mga guro, sa halip, ito ay nagpapakita na iba ang kanilang motibo at inilalagay sa alanganin ang pamahalaan,ā€ giit ni Duterte.

ā€œItinaon pa nila ang nasabing panawagan matapos mangyari ang kaguluhan sa Masbate na pinangunahan ng mga New Peopleā€™s Army (NPA) kung saan mahigit sa 55,000 mag-aaral at 2,815 school personnel ang naapektuhan,ā€ dagdag pa ng Pangalawang Pangulo.

BASAHIN  Kakompetensya ng GrabCar na inDrive sinuspendi ng LTFRB

Sinabi pa ni Duterte na maliban sa tikom ang bibig nito sa ginawang terorismo ng NPA, inililihis pa ng grupo ang publiko upang makalimutan ang nasabing pangyayari kamakailan lang sa Masbate.

ā€œPara sa kaalaman ng publiko, ang Kagawaran ay may planong kumuha ng 9,650 karagdagang mga guro sa taong ito at tuloy-tuloy ang hiring pati ng mga non-teaching personnel bilang bahagi ng Basic Education Learning Recovery Plan,ā€ ayon pa kay Duterte.

Hindi aniya makatotohanan at imposible ang hinihiling ng ACT matapos bigyang diin ng grupo na may inihain nang bill sa kongreso noon pang 2013 na nagtatakda na may 35 lamang na estduyante bawat silid aralan bilang pamantayan.

Ayon kay Vladimir Quetua, chairperson ng ACT, kulang aniya ng 147,000 mga guro upang mai-akma sa pamantayang 35 estudyante bawat classroom upang matiyak na makapagturo ng epektibo ang mga guro at madaling masubaybayan ang pagsulong ng mga mag-aaral.

Idinagdag pa ni Quetua na hindi na aniya bago ang programang ito ng pagkuha ng karagdagang mga guro. ā€œKailangan nating kumuha ng 25,000 bagong mga guro hanggang 2028 at 5,000 pa para punan ang pagtaas ng enrolment bawat taon, kaya sakto lang ang 30,000 sa kahilingan,ā€ saad pa ni Quetta.

BASAHIN  Planong ā€˜peace curriculumā€™ inilalatag na ng DepEd, PNP

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA