33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Dagdag-singil sa kuryente ngayong Marso, inanunsyo ng Meralco

INANUNSYO ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong araw ang P0.5453 kada kWh na pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa P0.4636 per kWh na pagtaas ng generation charge na naapektuhan ng scheduled maintenance shutdown ng Malampaya gas-to-power facility mula Pebrero 4 hanggang 18.

Ayon kay Atty. Jose Ronald Valles, hepe ng Regulatory Management Office ng Meralco, mas mataas pa dapat ang generation charge ngayong buwan pero napakiusapan ng Meralco ang mga supplier nito na ipagpaliban na muna ang paniningil ng ilang bahagi ng generation costs.

Nakaapekto rin ang maintenance shutdown ng Quezon Power at ang paghina ng Piso kontra dolyar na nakaapekto sa 98% ng mga IPP costs na dollar-denominated. Pinunan ng IPPs ang 35% ng kabuuang energy requirement ng Meralco para sa period na ito.

Dahil sa mataas na singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na umangat ng P1.4795 kada kWh dahil sa pagtaas ng demand sa Luzon grid, nakaapekto rin ito sa dagdag-singil.

BASAHIN  SC sa Metro Manila LGUs: pag-isyu ng OVR, pangungumpiska ng driver’s license, itigil na

Halos hindi naman gumalaw ang singil mula sa mga Power Supply Agreement (PSA) dahil sa pagpapaliban ng koleksyon ng ilang bahagi ng generation costs. Ang natitirang 43% ng kabuuang power requirement ng Meralco sa nagdaang supply month ay nagmula sa mga PSAs.

Samantala, nagtala ng P0.0817 kada kWh na net na pagtaas ang iba pang mga bill component kasama na ang transmission charge, buwis at iba pang charges. Suspendido pa rin ang koleksyon ng Feed-In Tariff Allowance (FIT-All) sa susunod na anim na buwan o mula Marso hanggang Agosto 2023.

Ipinatutupad pa rin ng Meralco ang distribution-related refund na nagkakahalaga ng P0.8656 kada kWh para sa mga residential customer. Nakatakdang matapos ang refund na ito sa Mayo at mararamdaman naman ang epekto nito sa bill sa buwan ng Hunyo.

Para masiguro ang maayos at maasahang serbisyo ng kuryente para sa 7.6 milyong customer sa darating na tag-init, kung kailan kadalasang tumataas ang konsumo, tiniyak ng Meralco na tuluy-tuloy ang kanilang ginagawang paghahanda.

BASAHIN  7K rider ng Grab-Move It kakalusin

Pinasisigla pa rin ng Meralco ang publiko na patuloy na maging masinop sa paggamit ng kuryente upang mabantayan ang kanilang buwanang konsumo.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA