33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Working student ng Arellano University sa Pasig, patay matapos gahasain

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang 19-anyos na babaeng working student mula sa Taytay, Rizal matapos itong patayin matapos pagtangkaang gahasain ng isang 21-anyos na manliligaw, Disyembre 5, 2023.

Kinilala ang biktima na si Christine Avila at estudyante ng Arellano University-Pasig campus samantalang ang suspek ay kinilala naman na si Khalid Sarip.

Ayon sa isang saksi, umaga ng Lunes nang makita niya ang isang lalaki na nananakbo galing sa inuupahan ng katrabaho ng biktima.

Hinabol nila ang suspek sa pag-aakalang isa itong magnanakaw ngunit hindi nila inabutan dahil nakakuha ito ng bisekleta at mabilis na nakalayo.

Pagbalik ng mga netizen at isa sa mga netizen ang nagpakilala bilang si leo sa lugar na inakala nilang ninakawan,

Binalikan ng mga humabol ang pinanggalingang bahay kung saan lumabas ang suspek at tumambad sa kanila ang walang saplot at pang-ibabang damit ang biktima.

Kapansin-pansin din na dahil sa maraming tinamong saksak ang estudyante, ito ay halos maligo na sa sariling dugo.

Idinagdag pa ng mga nakakita na labas na rin ang bituka ng biktima nang nadatnan nila ito sa bahay ng katrabaho kung saan sila kapuwa na nangungupahan.

BASAHIN  Power outage sa Panay at Negros Island, pinaiimbestigahan sa Kamara

Ayon sa impormasyong nakuha ng BRABO News Rizal, ang biktima ay nagtatrabaho bilang isang tiangge vendor sa Taytay at paminsan-minsan ay ume-extra sa paghuhugas ng pinggan at paglalaba para pandagdag pamasahe para sa kaniyang pagpasok sa eskuwela.

Kuwento naman ng katrabaho at mga kaklase ni Christine, araw ng Lingo nang magkayayaan ang magkakaibigan na mag-inuman ngunit sinabi ng biktima na sasama lang ito pero hindi iinom.

Hindi inakala ng biktima na makakasama pala sa inuman ang masugid na manliligaw ni Christine na nagtatrabaho din bilang isang vendor sa tinaggean sa Taytay

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, mukhang sinet-up di-umano si Christine ng kaniyang mga katrabaho at bigla na lamang nagsipag-alisan ang mga ito para magkausap biktima at ang suspek.

Patuloy na pinaghahanap ng mga pulisy sa suspek at naghain na rin ng warrant of arrest upang mapabilis ang paghuli sa suspek na siyang pumatay sa dalagang si Christine.

BASAHIN  8 bagong Bangsamoro towns lilikhain sa Cotabato

Todo hinagpis naman sa burol ng biktima ang mga kaanak nito at nananawagan sa sinumang maaaring makapagbigay ng impormasyon sa suspek ay kaagad itong ipaalam sa mga otoridad.

Hiling pa ng mga kapatid ni Christine n asana ay makamit agad nila ang hustisya sa sinapit ng kanilang masipag na kapatid na babae.

With reports from Nissa Joy Sumile.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA