33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Bagong city development plan, inihahanda na; Bahagyang epekto ng Bagyong Ulysses naramdaman sa ilang lugar sa Pasig

KINUMPIRMA ni Chairman on Economic Development and Caniogan Barangay Captain Reynaldo “Kap Rey” De Jesus na mayroon ng inihahandang bagong city development plan ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Pasig.

Ang inihahandang development plan ay para sa susunod na lima hanggang sampung taon na plano para sa lungsod. Kasama rin sa bagong city development plan ang magiging road map ng Pasig.

Nagsagawa rin ang lokal na pamahalaan ng dalawang araw na workshop na; “Vision-Reality Gap (VRG) Analysis Consultation-Workshop leading to the Updating of the Comprehensive Development Plan of Pasig City” at “Consultation Workshop on Vision Review and Vision City Gap Analysis”.

Isinagawa ang seminar para pag-aralan ang mga hakbangin na kinakailangan ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig upang mapalago ang ekonomiya ng lungsod.

Inaasahan na matatapos ang bagong development plan ng lungsod sa mga susunod na buwan. Patuloy naman na nagsasagawa ng workshop ang iba’t ibang sektor ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig bago ilabas ang bagong city development plan.

BASAHIN  AFP, palakasin ang kahandaan

Bagama’t hindi naman lubhang naapektuhan ng bagyong Ulysses ang Brgy.  Caniogan, ibinahagi naman ni Kap Rey na magdamag na nagbantay ang Disaster and Rescue Team kasama si Kagawad Oliver Espiritu ang upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Dagdag pa nya na kumpara sa ibang lugar ng Pasig, hindi namang kadalasang binabaha ang Brgy. Caniogan bukod sa ilang lugar na malapit sa ilog. “Wala naman nasalanta sa amin ng grabe…” saad pa nito.

Samantala kasama naman ni Kap Rey si Kagawad Jovit Añonuevo sa pamamahagi ng relief goods sa Brgy. Caniogan.

Nagpasimula rin ang Brgy. Kaniogan ng Online Christmas Raffle 2020 upang maging mas kakaiba ang pagbibigay ng relief goods.

BASAHIN  Surigao del Sur, muling niyanig ng lindol

Naniniwala naman si Kap Rey na kahit may kinakaharap na problema ang bansa, ay kailangan paring maramdam ng lahat ang ‘spirit of Christmas’.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA