33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Daan-daang mga taga-Caniogan sa Pasig City nakibahagi sa ‘Awit Pasasalamat’ para sa mga ‘bayaning’ frontliners

NAKILAHOK ang daan-daang residente ng Barangay Caniogan ngayong gabi ng April 8, 2020 sa ‘Awit Pasasalamat’ na inihandog nila para sa mga bayaning frontliners na hanggang ngayon ay nagsasakripisyo upang maasikaso ang kalagayan ng iba pa na nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinangunahan ng kapitan ng barangay na si Kapitan Rey de Jesus at ilang tauhan ng barangay ang programa nitong alas-8 ng gabi na nilahukan naman ng iba’t ibang homeowners associations ng lungsod.

Naging mataimtim ang program sa pag-awit ng kanta ni Michael Jackson na ‘We are the World’ na nagsimula sa barangay hall hanggang sa mga tahanan ng mga taga-Caniogan.

BASAHIN  Mananahi, 2 pa huli sa 15 gramo ng shabu sa Marikina

Bukod sa awiting inihandog nila ay nagsindi rin ang mga residente ng Caniogan ng kandila at nagsuot ng puting tshirt sa kani-kanilang tahanan.

BASAHIN  Biktima ng 'mistaken identity' sa Navotas na si Jemboy, inilibing na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA