NILINAW ni Pasig City Mayor Vico Sotto na handang sumunod ang lokal na pamahalaan sa mga ibabang utos ng pamahalaang nasyonal alinsunod sa mga patakaran na inilatag para sa Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Ito ay matapos magbigay ng pahayag ng alkalde na nais niyang payagan pansamantala ang mga tricycle na pumasada sa Pasig dahil sa kakulangan ng pampublikong sasakyan ng lunsod dahil sa ECQ.
Ayon sa kanya ay mayroong silang opinyon at mga pag-aanalisa na ginawa mismo sa lungsod upang maging batayan ng kanyang desisyon.
“Pero kung ano syempre ang sabihin sa atin ng nasyonal na pamahalaan, based on their analysis makikinig po kami. And we will comply fully (with) whatever their directives may be,” saad ng alkalde.
Inihayag din ng alkalde ang plano tungkol sa maliliit na daan na hindi naabutan ng tulong. Nakahanda na naman umano ang Disaster Risk Reduction (DRR) Team ng Pasig para matulungan ang bawat isa.
Dahil sa ilang lugar na hindi madaanan at mahatiran ng tulong ay ginagamit na rin ang mga bisikleta upang mahatiran ng tulong ang ilang mamamayan sa lungsod.
Nire-purpose naman ng lungsod ang ‘bike share upang magamit naman ang mga bisikleta ng mga frontliners sa Pasig.
Nagpasalamat din si Mayor Vico sa gobyerno at mga private individuals na nagbibigay ng tulong at donasyon.
Kasalukuyan umanong nag-rerepack ang ilang volunteers’ ng 400,00 food packs na hand ana ring ipamigay ngayong darating na linggo ng gabi.
Nanawagan rin ang alkalde sa mga residente ng Pasig na mag-tulungan ang bawa’t isa at wag kalimutan ang mga health and safety protocols na ipinatutupad ng lungsod para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.