33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Mayor Vico handa na sa ‘The Big One;’ Pasig at Cagayan Valley magtutulungan

TINIYAK ni Pasig City Mayor Vico Sotto na patuloy ang isinasagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan pagdating sa disaster management sakali mang maganap ang ‘The Big One.’

Ito ang naging pahayag ng alkalde sa isinagawang pagtitibay ng Memorandum of Understanding (MOU)  sa pagitan ng Pasig City at Cagayan Valley Province.

Pagtitibayin ng nasabing MOU ang pagtutulungan ng dalawang lokal na pamahalaan pagdating sa pagpapalitan ng mga ideya, technical aspect at iba pang bagay kaugnay sa disaster preparedness.

Ngunit nilinaw din ni Sotto na bagama’t handa na ang lungsod sa maaring maging situwasyon sakali mang maganap ang ‘The Big One,’ naniniwala siyang may ilan pa ring paghahanda ang kailangan pang pagbutihin at bigyang pansin.

Ayon pa sa alkalde, sakali man na mangyari ang lindol lalo na ang ‘The Big One,’ posible umanong aabutin sa 10,000 residente ng Pasig ang malalagay sa peligro.

Kaya malaking tulong aniya ang maibibigay ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) ng Cagayan Valley sa Pasig.

BASAHIN  Mas mabilis na emergency response, hatid ng bagong fire sub-station sa Pasig na ikinasa ng Meralco at BFP

Siniguro rin naman ni Mayor Vico na handang tumulong ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa Cagayan Valley kung sakali mang may maganap na lindol o sakuna sa lalawigan. 

Pinaliwanag din ni Mayor Vico na magsasagawa sila ng tatlong araw na training upang makabisa ng DRRM Team ng Cagayan Valley ang lugar ng Pasig para mas mapadali ang kanilang pagresponde sa mga residente.

Idinagdag pa ng alkalde na alam na aniya ng mga residente na sila ay nakatira sa ibabaw ng fault line kung kaya magbibigay na lamang ang lokal na pamahalaan ng mga paalala sa kung ano ang maari nilang gawin na paghahanda.

Sinimulan na ring i-renovate at ayusin ang mga paaralan sa Pasig City upang mas maging ligtas ito sa mga estudyante kung sakali man na may maganap na lindol. Kasabay nito ay magsasagawa rin ng mga earthquake drills ang mga paaralan.

BASAHIN  Nasawi sa Davao landslide umabot na sa 54

“Patuloy pa rin sa pagsasagawa ang Lungsod ng Pasig ng mga paraan para mas mapabuti pa ang paghahanda sa iba pang mga sakunang maaaring mangyari sa lungsod hanggang sa maging ‘disaster resilient’ ang Pasig City,” pagtatapos ni Mayor Vico.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA