Child Haus tumanggap ng 1 brand-new 2025 Toyota Tamaraw FX mula sa MMMSFI

Share

ISANG brand-new 2025 Toyota Tamaraw FX ang tinanggap ng Center for Child Health Improvement and Life Development (CHILD HAUS) mula sa Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation Inc. (MMMSFI) sa pangunguna ni Ginang Keri Zamora, asawa ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora sa isang turnover ceremony na ginanap noong Pebrero 26, 2025 sa Ermita, Manila.

Kasama ni Ginang Zamora sina Ginang Trina Biazon, asawa ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon; Ginang Aubrey Malapitan, kalihim at asawa ni Caloocan City Mayor Along Malapitan; at Ginang Tiffany Gatchalian, treasurer at asawa ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian.

BASAHIN  Hulihin: Street vendors na sisilong sa flyovers

Tinanggap naman ni Ginang Janet Cu, isa sa mga director ng Child Haus, ang nasabing sasakyan kung saan sinabi nito na malaki ang maitutulong nito sa transportasyon ng mga pasyente mula sa kanilang pasilidad patungo sa ospital.

Tiniyak naman ni Mayor Zamora ang patuloy na suporta ng MMMSFI sa Child Haus at mga benepisyaryo nito at sa karagdagan pang mga suporta na kailangan nito.

Sinabi pa ni Zamora na bilang isang organisasyon, handa umano silang magbahagi ng anumang pangangailangan ng mga bata at isa na rito ang may kaugnayan sa medikal na pangangailangan gamit ang transportasyon.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

PBBM: Hindi gagamitin sa anumang ‘pag-atake’ ang EDCA sites

NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi niya pahihintulutan na ‘gamitin sa opensiba’ ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA bases na...