33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Renobasyon ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, tapos na

NATAPOS na ang kumpletong renobasyon ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) at pinasinayaan ito kaninang umaga ng mga lokal na opisyal sa pangunguna nina Congressman Roman Romulo at Mayor Vico Sotto.

Ipinakita sa mga dumalo sa nasabing inagurasyon ang modernong mga kayarian ng pasilidad sa layuning mapahusay pa ang learning experience ng mga estudyante.

Kapansin-pansin din ang bagong pinturang patsada (façade) at lobby ng gusali na nagsisilbing pangunahing dako upang tanggapin ang mga bumibisita at mag-aaral.

Bagong-bago rin ang mga elevator upang mapabilis ang transportasyon hindi lamang ng mga estudyante kundi gayundin ng mga guro at panauhin.

Karagdagan pa, ibinida rin ang bagong awditoryum na nasangkapan ng pinakabagong teknolohiya sa audiovisual at LED wall para sa mga kaganapang akademya at kultural.

Ang bagong awditoryum na nasangkapan ng pinakabagong teknolohiya sa audiovisual at LED wall para sa mga kaganapang akademya at kultural.

Bagong gawa rin ang gymnasium para makapaglaan ng espasyo sa kalusugan ng katawan ng mga mag-aaral kasali na ang isports.

BASAHIN  4-Wheel Joyride, kakatay sa regular Taxi?

Sinabi ni Mayor Vico Sotto na dapat ituring ng mga estudyante at guro na dahil sila ang pangunahing  makikinabang, dapat nilang ariin ang unibesidad at panatilihin itong nasa ayos.

“Bilang inyong lokal na pamahalaan, asahan po ninyo kung ano pang pwedeng maitulong at ano pang pwedeng gawin para mapalakas pa ang ating unibersidad at para makatulong sa ating mga mag-aaral, hindi po tayong magdadalawang-isip,” ang pahayag ni Sotto.

Ayon pa sa alkalde, handa ang lokal na pamahalaan na patuloy na magbibigay-suporta sa PLP para sa de-kalidad na edukasyon sa loob ng modernong gusali.

“Lahat po ng ginagawa natin ay para sa inyong mga mag-aaral at kabataan,” dagdag pa ng punong lungsod.

BASAHIN  Bodega ng spare parts ng motorsiklo sa Caloocan City, nasunog

Sinabi naman ni Dr. Reggie Maningas, ang PLP University President na: “Kasabay ng ating pagpapaganda sa ating inang pamantasan ay ang patuloy na pagpapaunlad natin sa kalidad at husay ng ating edukasyon.”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA