Mag-live in partner, kalaboso sa ₱100-K droga

Share

ARESTADO ang isang negosyante at online seller  na ka live-in nito matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Cainta Drug Enforcement Team at makuhanan ng aabot sa ₱100-K halaga ng illegal na droga, Huwebes ng umaga sa Barangay San Isidro, Cainta Rizal.

Sa report mula sa tanggapan ni Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director PCol. Felipe Maraggun, nakilala ang mga arestado na sina alyas “David”, 36-anyos at live-in partner nito na si alyas “Jeni”, online seller, 29-anyos,  kapwa residente ng Cainta, Rizal.

Ayon sa report, inaresto ang dalawa bandang 6:25 Huwebes ng umaga sa kahabaan ng Sumulong Highway, Sitio Balanti, Barangay San Isidro makaraang makatanggap  ng tip mula sa isang concerned citizen kaugnay s illegal na pagbebenta ng droga  ng mag-live in partner sa kanilang lugar.

BASAHIN  ₱1-M halaga ng shabu nasamsam sa 4 HVIs sa Rizal

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang limang sachet ng plastic na hinihinalang naglalaman ng shabu na may tinatayang timbang na 15 gramo at nagkakahalaga ng ₱102,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Cainta MPS custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa section 5 and 11, Article II of R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022”.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

2 most wanted persons arestado sa Malabon

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki na listed bilang most wanted personsmatapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operations sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Sa...