Miss Universe pageant, nababoy?

Share

NABABOY?

Kasi, nag-viral ngayon online ang Miss Universe (Miss U) pageant, hindi dahil sa pwede nang sumali ang overweight na contestant, kundi, sa pagtanggap diumano ng mga gurang, transgender, diborsyada, at may-anak na.

Dahil dito, labis na nababastos ang pageant at bumaba nang husto ang kredibilidad nito sa paningin ng global communitydahilan para umatras ang malalaking advertisers.

Ito ang obserbasyon ng netizens matapos nag-viral sa social media ang video ng transgender na si Anne Jakkapong Jakrajutatip, pangulo ng JKN Global Group (JKN), franchisee ng Miss U na pinag-uusapan ito.

Matatandaang naging sobrang kontrobersiyal ang 2023 Miss U dahil sa diumano’y pandaraya kay Miss Philippines Michelle Dee.

BASAHIN  Dahil sa 5 miscarriages: Kyla, nag-sorry sa anak

Ipinalit sa kanya sa semi-finals si Miss Thailand, Anttonia Porsild. Nauna nang lumabas online ang pangalan at larawan ni Dee bilang semi-finalist, pero ilang sandali lang, pinalitan ito ng larawan ni Porsild.

Nitong 2023, si Miss Netherlands Rikkie Valerie Kollé at Miss Portugal, Marina Machete Reis—ang dalawang transgenders na tinanggap sa kompetisyon, samantalang si Miss Guatemala, Michelle Cohn ay may dalawang anak.

Wala pang opisyal na pahayag si Jakrajutatip tungkol sa nag-viral na video, pero sinabi niyang kakasuhan daw ang mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Marikina LGU pinarangalan sa HR management

BINIGYAN ng komendasyon ng Civil Service Commission (CSC) ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina dahil sa kahusayan sa pangangasiwa sa mga kawani...