HomePolice Story3 wanted na karnaper,...

3 wanted na karnaper, huli sa Rizal

Nadakip ng Highway Patrol Group-Rizal at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa anti-carnapping operations ang tatlong wanted na karnaper sa Taytay, Rizal.

Kinilala ang mga akusado na sina Lloyd Dacula, 39-anyos, Jean Christian Faustino, 27 -anyos, at Mark Basigsig, 23-anyos, pawang mga nagtatrabaho bilang collection specialist o repossession representative ng bangko sa naturang lalawigan.

Armado ang mga operatiba ng tatlong warrant of arrest na inisyu ng korte laban sa mga akusado para sa paglabag sa Anti-carnapping Act of 2016.

Naaresto si Faustino sa kanyang tirahan sa SNMC compound Melendrez sa Barangay San Isidro noong Huwebes, habang nasakote naman sa Zuri Subdivision sa Cabrera Road sa Barangay Dolores sina Dacula at Basigsig.

BASAHIN  Malaysian national huli sa panunuhol

Nakakulong na ang mga akusado habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA