33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Halos 60 couples sa San Juan City, sabay-sabay ikinasal ngayong Valentine’s Day

Aabot sa 57 couples ang sabay-sabay na nag-isang dibdib sa taunang ‘Valentine’s Day Kasalang Panlungsod para sa San Juaneños.’

Mismong si San Juan City Mayor Francis Zamora ang nagkasal sa 57 pares, na ginanap sa San Juan Gymnasium, kung saan naglaan ang lokal na pamahalaan ng programa para maging memorable ang espesyal na araw na ito.

Ilan lamang sa mga regalo para sa mga bagong kasal ang wedding cake, bouquet sa bride, at cash gift, at naghanda rin ng reception para sa mga kaanak at kanilang mga bisita.

Nabatid na ang “Kasalang Panlungsod” ay taunang programa ng San Juan City LGU, na nagbibigay ng halaga sa pagsasama ng mag-asawa at para mapalakas ang kanilang samahan.

BASAHIN  San Juan Mayor hinamon ang nagpakalat ng 'ayuda scam'

Samantala, dumalo rin sa seremonya sina Congresswoman Bel Zamora, Vice Mayor Angelo Agcaoili at Maricel Caragan, Supervising Statistical Specialist of the Philippine Statistics Authority at ilang mga opisyal ng lungsod.

BASAHIN  Meralco, telco companies sa Pasig, kakasuhan?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA