Nadakip ng mga otoridad ang isang lalaking kabilang sa Top 8 most wanted ng person ng Makati City.
Kinilala ng akusado na si alyas Ronaldo, 28-anyos na may kinahaharap na kasong paglabag sa Sections 5 at Section 11, Article II, ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng Joint Warrant and Subpoena Unit at Drug Enforcement Unit ng Makati Police, nahuli ang suspek sa pinagtataguan nitong bahay sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Inisyu ni Judge Danilo Leyva, Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court Branch 175, ang warrante of arrest laban sa suspek at walang inirekomendang piyansa.
Sa ngayon ay nakapiit sa Makati Police Station Custodial Facility ang akusado.

