Angelica Panganiban, Gregg Homan, kasal na

Share

Hindi na raw sila makapaghintay sa 2024!


Ito ang komento ng ilang fans nang nabalitaang nagpakasal na si Angelica Panganiban sa
kanyang partner na si Gregg Homan, nitong Disyembre 31, sa Los Angeles, California.


Si Gregg ang ama ng kanilang anak na si Baby Bean o Amila Sabine Homan na isinilang
noong Setyembre 20, 2022.


Sa post ni Angelica sa social media, kasama ang ilang pictures, “123123 [December 31,
2023], patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang
pagmamahal pa rin ang kakapitan. Maligayang bagong taon – Mrs Angelica Panganiban
Homan.”


Present din sina Bela Padilla at Kim Chiu, best friends ng aktres sa napakahalagang
okasyon.

BASAHIN  40-M bariles ng langis, nasa Palawan Cadlao field


Ayon kay Bela, sa kanyang Instagram account, “The drought is over (emoji heart).
Congratulations, Mr. and Mrs. Homan. The best day ever!”


Maraming kaibigan ni Angelica sa loob at labas ng showbiz ang bumati sa kanilang kasal.


Inaasahan naman ng maraming fans na sana gumaling na si Angelica sa sakit nito sa hips
na Avascular Necrosis, isang sakit na sanhi ng kakulangan nang pagdaloy ng dugo sa
buto, na maaaring humantong sa tuluyang pagkalumpo.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Alitan sa partido ni PBBM tumitindi

TUMITINDI ang namumuong alitan sa pagitan ng mga orihinal at bagong mga miyembro ng partido pulitikal ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Partido Federal...