80-anyos na lolo, arestado sa pagpatay sa isang parking boy

Share

Naaresto na ng mga tauhan ng Marikina City police ang isang 80-anyos na lolo na wanted sa pagpaslang sa isang parking boy noong 2022.

Isang taong nagtago ang suspek na si Reynerio del Rosario sa Nueva Ecija, kung saan agad na isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest para sa kasong murder nitong Miyerkules ng gabi.

Batay sa ulat mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director, PBGen. Wilson Asueta, napag-alaman na may mga kaanak sa naturang lalawigan ang suspek na maaaring tinutuluyan nito, kung saan, base sa intelligence gathering, ay doon nga ito nagtatago.

Nabatid na isang cigarette vendor sa Marikina ang suspek at sinabi nito na napatay niya ang parking boy dahil lagi umano siyang binu-bully.

BASAHIN  3 Pinoy films sa Los Angeles film fest

Nahaharap sa kasong murder ang suspek at pansamantalang nakadetine sa Marikina Police Station.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

KC Concepcion, naglabas na nang hinaing

MALUNGKOT na naglabas kamakailan, ng saloobin si KC Concepcion tungkol sa mgahamong hinaharap niya bilang produkto ng broken family. Ito ay bunsod nang diumano’y gusot...