Construction worker at kasabwat huli sa P100-K shabu sa Rizal

Share

Arestado ang dalawang tulak, kabilang ang isang construction worker at kasabwat nito sa pagbebenta ng illegal na droga matapos makuhanan ng P100-K halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Binangonan, Rizal.

Nakilala ang dalawang tulak na sina alyas Jessy, 40-anyos, construction worker at Alyas Payat, 18-anyos, kapwa residente ng Binangonan, Rizal.

Inaresto ang dalawa bandang 10:30 Sabado ng gabi sa kahabaan ng Sitio San Valentine St. Brgy Pantok Binangonan, Rizal matapos ang isinagawang buy bust operation ng  Binangonan Municipal Drug Enforcement Team (MDET).

Aabot sa anim na pakete ng shabu na nasa 18 gramo at nagkakahalaga ng P124,200.00) ang nakumpiska sa mga suspek, kabilang ang isang piraso ng 500 peso bill  bilang buy-bust money, limang piraso ng P100 peso bill bilang confiscated money, isang unit ng cellphone at coin purse.

BASAHIN  Nartatez: ‘Di lahat ng PNP vehicles puwede sa EDSA bus lane

Kapwa kinasuhan ng paglabag ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek at kasalukuyang nakakulong sa Binangonan Custodial Facility para sa tamang disposisyon

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Halos 1 Milyong negosyo, nairehistro noong 2023

INIULAT ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong 984,332 ang nagparehistro ng kanilan negosyo noong nakaraang taon. Mas mataas ito ng five...