DAPAT lamang na bigyan ng P1,000 monthly hazard pay ang bawat barangay tanod.
Ito ang iminumungkahi ni Senador Jinggoy Estrada na maisabatas dahil aniya, dahil
mabigat ang tungkulin na pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa komunidad.
“Malaki ang [nai]ambag ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at
kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. Sila ang nagpupuyat sa gabi at frontliner, gaya
ng nasaksihan natin noong kasagsagan ng CovidD-19 pandemic. Kakarampot na halaga
ito kapalit ng kanilang serbisyo, sakripisyo at pagkakawanggawa,” sabi ni Estrada.
Sa Senate Bill No. 794, na inihain na Estrada, inirerekomenda niya na bigyan ng
buwanang P1,000 bilang hazard pay ang bawat isang miyembro ng barangay tanod
brigades. Ang pondo ay una munang manggagaling sa budget ng Department of Interior
and Local Government (DILG), habang ang mga susunod na implementasyon nito ay
isasama na sa budget ng local government units (LGUs).
Bagamat tumatanggap ng mga benepisyo ang mga barangay tanod tulad ng iba pang
opisyal ng barangay, batid ni Estrada – na isang dating mayor ng San Juan City sa loob
ng tatlong dekada bago nahalal na senador noong 2004 – na binibigyan lamang ng hindi
bababa sa P600 kada buwan na honoraria o allowance ang mga barangay tanod.
“Ang barangay tanod brigades ay mga manggagawa sa komunidad na nangangailangan
din ng proteksyon. Ang panukalang ito ay kinikilala ang kanilang mahalagang kontribusyon
sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lokalidad sa pamamagitan ng
pagbibigay ng insentibo habang patuloy silang tumutupad sa kanilang mga opisyal na
gawain,” ani Estrada, chair ng Senate Committee on Labor, Employment and Human
Resources Development.