Face-to-face classes suspendido, libreng sakay inilatag ng Pasig LGU

Share

INANUNSYO ngayong araw ng lokal na pamahalaang lungsod ng Pasig na suspendido ang lahat ng face-to-face classes bunsod ng nakaambang transportation strike sa Marso 6.

Sa kabila nito, inihayag din ng Pasig Public Information Office na maglalaan ang lokal na pamahalaan ng libreng sakay sa mga pangunahing lansangan gamit ang mga bus na pag-aari ng lunsod.

Inaasahan na aabot sa isang linggo ang bantang strike ng transport sector upang ipaabot sa pamahalaang nasyonal ang kanilang mariing pagtutol sa public utility vehicles (PUV) modernization program.

Aabot di-umano sa 40,000 PUV drivers sa Metro Manila ang nagpahayag na sasali sa transport strike bilang suporta.

Bago nito, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingang extension ng transport sector na huwag munang ipatupad ang nasabing programa na na-iskedyul ngayong buwan ng Abril.

Sinabi ng mga opisyal ng LTFRB na ipapatupad nila ang phase out ng traditional jeepney sa Desiyembre 31 na.

Batay sa PIO, ito ang mga ruta kung saan makikinabang sa libreng sakay ang mga papasok sa kanilang trabaho at mga residente na kailangang bumiyahe:

  • Pasig Mega Market patungong Shaw Boulevard (vice versa)
  • Pasig Mega Market patungong Ligaya na dadaan sa Dr. Sixto Antonio Avenue (vice versa)
  • Pasig Mega Market patungong Kalawaan patungong San Joaquin at pabalik ng Market
  • Pasig Mega Market patungong Ligaya na dadaan sa C. Raymundo Avenue (vice versa)
  • Pasig Mega Market patungong Dr. Sixto Antonio Avenue patungong Rosario patungong C. Raymundo Avenue pabalik ng Mega Market
BASAHIN  Libreng driving training, ikinasa ng Valenzuela LGU, Ford motors

Ang nasabing libreng sakay ay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, at alas-3 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Sa kabila nito, sinabi ng Department of Education (DepEd) na hindi sila magdedeklara ng class suspension bunsod ng transport strike sa susunod na linggo ngunit binibigyang laya nito ang mga lokal na pamahalaan kung magsususpende o hindi ng klase.

Sinabi ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, na hinihikayat nila ang mga mag-aaral na gamitin ang nakalatag na alternatibong mga pamamaraan na ginamit sa panahon ng pandemya.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Magtipid sa kuryente – Gatchalian

“Maging masinop sa paggamit ng kuryente.” Ito ang panawagan ni Senador Win Gatchalian sa publiko habang ipinagdiriwang ang mahabang holiday season kung kailan nasa peak...