Bahagi ng 750 balikbayan boxes, nai-release na sa ofws

Advertisement

HALOS isang taon nang naka-tengga sa Bureau of Customs (BOC) ang 750 balikbayan boxes,
pero hindi pa rin ito naire-release sa mga may-ari nito.


Dahil dito, lumapit nitong Setyembre 12 sa opisina ni Sen. Raffy Tulfo sina Rowena Agtarap at
Jennifer Yanong, bahagi ng 200 OFWs na nagreklamo para humingi ng tulong na mai-release
ang mga ito sa kanila at sa kapwa overseas Filipino workers (OFWs).


Ayon sa kanila, nagpabalik-balik na sila sa BOC para masolusyunan ang problema pero pinaikot
ikot lang sila nito kaya nagdesisyon na silang magtungo sa tanggapan ni Tulfo.


Noong araw ding iyon ay pinakilos ni Tulfo ang kanyang staff at tinawagan si Bureau of
Customs (BoC) Commissioner Buenvenido Rubio para asikasuhin ang 200 OFW-complainants.
Kinabukasan ay sinamahan ng staff ni Tulfo ang mga complainant sa BoC.

Dito ay nakausap nila si Michael Fermin, ang acting Deputy Commissioner for IAG. Pinabuksan nito a ng container van na pinaglalagyan ng mga nasabing bagahe para makita kung naroroon pa rin ang mga balikbayan boxes. Nangako si Fermin na aasikasuhin ang dokumento para sa release ng mga ito.

BASAHIN  33 MSMEs mula MIMAROPA patok sa Panagbenga Festival trade fair
Advertisement

Nitong Oktubre 26, sinimulan nang ipamahagi ng BoC ang mga balikbayan boxes na natengga
sa warehouse matapos abandonahin ng forwarding company.


Tatlong container trucks na naglalaman ng 750 balikbayan boxes ang isa-isang ipinamigay sa
pamilya ng mga OFW. Higit 30 na ang nakatanggap ng mga bagahe at itutuloy bukas ang
pamimigay nito.


Nagbayad na ang mga OFW sa mga overseas forwarder para sa shipping ng kanilang bagahe
pero ang local deconsolidators ay hindi nabayaran kaya hindi naihatid ang mga balikbayan box.
Kaya hiniling ng BoC na makipagtulungan ang mga OFW sa kanila para masampahan ng kaso
ang consolidators na nag-scam sa kanila.


Lubos naman ang pasasalamat ng mga OFW at kanilang mga kamag-anak sa senador – na
Chair, Senate Committee on Migrant Workers – sa mabilis na aksyon nito.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

Mental hospital para sa mga guro?

TAHIMIK habang nagdurusa.Ganito inilarawan ni Senador Mark Villar ang dinaranas ng maraming guro sa bansa dahil sa iba’tibang mga hamon na nagpapabigat sa buhay...