P270-b infra projects, inaprubahan ni Marcos

Share

INAPRUBAHAN nitong Biyernes ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga programa at
proyekto na nagkakahalaga ng P269.7 billion.


Sa isang press conference sa Malacañang, sinabi ni Socioeconomic Planning Sec. Arsenio
Balisacan na inaprubahan na ng Pangulo ang mga programa at proyekto na naglalayung
palakasin ang turismo at pagbutihin ang health-care system ng bansa.


Ang mga inaprubahang proyekto – kasama ang iba pa, ay bahagi ng P9-trillion “Build Better
More” infrastructure program ng Marcos Administration.


Ang mga proyektong ito ay magpapalakas ng ekonomiya at magbubukas na maraming high-
quality na trabaho, kaayon ng medium-term development goals ng bansa.


Una sa mga naaprubahang proyekto ng NEDA o National Economic and Development
Authority ang P4.5-billion rehabilitation ng Bohol-Panglao International Airport, na
popondohan sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP). Sa ngayon ang paliparan ay
makakapaglingkod lang sa dalawang milyong pasahero kada taon.

BASAHIN  Planong paghihiwalay sa Mindanao, itigil — Marcos

Ito ay inaasahang madaragdan nang halos doble, o 3.9 milyon na pasahero, kapag natapos na ang rehabilitasyon.


Isa pang PPP project na inaprubahan ng Pangulo ang dialysis center para sa Baguio General
Hospital and Medical Center. Ang P393 milyon na retrofitting ng mga dormitory ng ospital ay
kasama sa gagawing dialysis center.


Ayon sa Brabo News research, sa taong ito, tinatayang mayroong halos apat na milyong Pilipino
ang may diabetes, pero maaaring umabot na sa 7.20 milyon ang mayroong diabetes kung
isasama ang pagtaya sa iba pang hindi nagpapa-check-up pero may mga sintomas nito. Dahil
dito, kinakailangan pa ang mas maraming dialysis centers sa bansa.


Samantala, inaprubahan din ng Pangulo ang Cebu Bus Rapid Transit project, na
mangangailangan ng ponding P28.78 bilyon mula sa dating P16.3 billion dahil sa pagdaragdag
ng mga istasyon at terminals.

IBA PANG BALITA

Romualdez pinagbawalang lumipad patungong Singapore

HINDI pinahintulutan ng Office of the Ombudsman si dating House Speaker Martin Romualdez na pumuntang Singapore para sana umano sa isang medical chek-up. Ito ang...

Distribusyon ng ayuda sa mga drayber ng TNVS iniwasan ni PBBM?

HINDI na tumuloy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para saksihan sana ang distribusyon ng P5,000 pinansiyal na ayuda para sa mga drayber ng Transportation...

Senado, naghahanda na sa impeachment laban kay VP Sara

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na pinulong niya ang mga kasapi ng Senate Majority Bloc ukol sa pagpapa-impeach ngayon kay Vice President...

Modernong correctional facility sa Nueva Ecija, sinimulan na

Pinangunahan ng Bureau of Corrections o BuCor ang groundbreaking ng bagong correctional facility sa Palayan City, Nueva Ecija. Nagkakahalaga ito ng 470 milyong piso at...

Legalidad ng muling pagpapaliban ng BSKE, pinapabusisi ni Sen. JV Ejercito

Iginiit ni Senador Joseph Victor Ejercito na nararapat na pag aralan muna ng kongreso kung legal ang panukala na muling ipagpaliban ang Barangay at...