‘Sexy dance’ scandal, NBI chief may paglalagyan?

0
417

HINDI pa raw lusot si Medardo de Lemos, Director ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kabila nang todo-deny nito sa show ng ilang sexy dancers matapos ang command conference sa tanggapan ng ahensya.


“Tiyak na pipigilan ko ‘yon (sexy dance) kung naroroon ako,” saad ni De Lemos noong Biyernes.
Ayon sa ilang netizens, bilang hepe ng NBI, hindi daw siya dapag nag-hugas kamay dahil obligasyon ni De Lemos na tapusin ang buong programa, pati na ang socialization, naiwasan sana ang problema.


Matapos ang insidente na naging viral sa social media, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin
Remulla sinigurong mayroong mananagot dito matapos ang imbestigasyon.

BASAHIN  3 tulak arestado sa P400K shabu sa Valenzuela


Sa kanyang opisyal na pahayag sa media, humingi ng paumanhin si De Lemos sa insidente at
nangakong parurusahan ang lahat ng mga sangkot dito. Idinagdag pa niya na wala raw pondo ng
gobyerno ang ginastos sa “sexy dance”.

BASAHIN  8 katao tiklo sa walang humpay na anti-drug ops sa Pasig

About Author