Bilang ng mga may Covid-19, bumaba

Share

BUMABA ang bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa 4,281 katao, magmula Hunyo 12-18, ayon sa Department of Health (DoH) noong Lunes.


Batay sa lingguhang bulletin ng DoH, ang average na bilang ng impeksyon ay 612, bumaba ng 35 percent mula sa bilang noong nakaraang linggo. Sa mga bagong kaso, 57 ang nasa malubha o kritikal na kondisyon.


May kabuuang 477 na malubhang kaso ng Covid-19 ang nasa mga ospital, katumbas ng 10.6 percent ng kabuuang bilang ng mga naospital sa bansa.


Ngayong Hunyo 19 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 magmula noong 2020 ay umabot sa mahigit 4.1 milyon. Sa bilang na ito, 4.08 milyon ang gumaling at 66,482 ang namatay.

BASAHIN  AstraZeneca umamin, COVID vaccine maaaring magdulot ng masamang epekto


Mahigit 78 milyong katao ang nabakunahan kontra Covi-19 o 100.44 percent ng kabuuang target na bilang, samantalang 23 milyon ang nabigyan ng booster shots.


Samantala, 7.1 milyong senior citizens, o 82.16 percent ng target na bilang ang nabakunahan ng mga paunang dosis.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

VP Sara, nagpasalamat kay Sen. Imee

WALANG iwanan!Tila ito ang mensahe ni Senador Imee Marcos kina Vice President at DepEd Secretary SaraDuterte at sa ama nitong si dating Pangulong Rodrigo...