Ai-Ai delas Alas, purdoy na kaya nag-care-giver na lang sa Amerika?

Share

PURDOY (Broke) na nga ba si Ai-Ai delas Alas?


Ito ang nagsi-circulate sa showbiz circles. Pero ayon sa isang showbiz reporter, hindi purdoy si Ai,
talagang masipag lang raw siya.


Si Ai ay nagtatrabaho sa elderly facility sa San Francisco, California bilang activity director at hindi
caregiver. Kapag Sabado’t Linggo nagpe-perform siya sa mga show doon at maging sa ibang States.


Nakabase na ngayon sa Amerika ang Kapuso star pero kapag kinakailangan, umuuwi siya sa Pilipinas para gampanan ang kanyang showbiz commitments.


Sa isang online interview sa kanya sa Unang Hirit ng GMA7 noong Hulyo 11, sinabi ni Ai na may
Filipino staff members din at iba’t ibang lahi ang mga nurse sa kanyang pinapasukan.

BASAHIN  GMA Network mamimigay ng house and lot


Bilang activity director, ang komendyante raw ang may responsibilidad ang mag-isip at mag-execute ng mga aktibidad para sa seniors na nasa pasilidad.


“Nag-e-enjoy talaga ako. Siyempre, iba yung fulfillment ng naglilingkod ka sa ating mga elders,”
pagwawakas ni Ai.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

AYAW PA-BEMBANG | Lolo na nanutok ng baril sa apo arestado

ARESTADO ang isang lolo matapos nitong tutukan ng baril ang apong babae dahil tumanggi itong makipagtalik sa kaniya, sa Sitio Labong, Brgy. Halayhayin, Pililla,...