33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

2 Suspects arestado sa carnapping, gun ban violation

DALAWANG suspects, isa ay menor de edad, ang inaresto sa Pasig City dahil diumano sa
carnapping at paglabag sa Comelec gun ban, nitong Lunes ng gabi.


Inireport sa pulisya ng isang 33-taong negosyante na nawawala ang kanyang motorsiklong
Yamaha Mio Sporty, na nakaparada sa labas ng kanyang bahay.


Nahuli sa isang follow-up operation ng Pasig City Police ang isang kinse anyos na lalaki na
nagmamaneho ng isa pang motorsiklo, ang Suzuki Smash, habang itinutulak ng isang 20-taong
suspect sa Amang Rodriguez Avenue, Barangay Manggahan.


Nakumpiska sa suspects ang isang kalibre .38 revolver, na walang serial number na may
dalawang bala, at isang granada.

BASAHIN  Bahay ng isang 67-anyos na retiradong propesora, niransak at ninakawan ng 8 miyembro ng Pulis Imus?


Napag-alaman sa imbestigasyon na ang Suzuki Smash ay pag-aari ng isang nagreklamo, isang
29-taong negosyante na taga Barangay Manggahan.


Ikinanta ng mga suspect ang kanilang kakutsaba sa krimen na sina alias Jelal at alias Rex,
parehong taga-Barangay Pinagbuhatan.


Samantala, nahuli si alias Jelal sa isang follow-up operation. Nabawi sa kanya ang
motorsiklong Yamaha Sporty na pag-aari ng isang babaing tinder.


Himas-rehas na ngayon ang mga suspect dahil sa paglabag sa Comelec gun ban, at illegal
possession of explosives.

BASAHIN  5,085 na Pulis, ide-deploy sa NCR sa darating na pasukan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA