GMA7 stars, dinedma ang Eat Bulaga ng TAPE

Share

MATAGAL-TAGAL nang inimbitahan ng executives ng Television and Production
Exponents Inc. (TAPE), ang mga artista ng GMA7 para mag-guest sa Eat Bulaga
(EB) ng mga Jalosjos pero laking gulat nila nang dumagsa ang mga ito sa “It’s
Showtime” ni Vice Ganda noong Hulyo 1. Sa maikling salita, dinedma nila ang mga
Jalosjos.


Sobrang bongga ang pagtanggap ng GMA sa pilot episode ng It’s Showtime sa
GTV. Eng grande pa ang pagdating ni Vice sakay ng isang chopper papunta sa
GMA7 studios.


Naging guest niya sina Barbie Forteza, Pokwang, Mark Bautista, Sanya Lopez
Rodjun, at Rayver Cruz, kaya nga naungusan nito sa rating ang EB.

BASAHIN  Ramon ang, Pangilinan, ‘sosyo na sa Metro pacific


Matatandaang kinausap kamakailan nina Bullet at Romy Jalosjos si Willie Revillame
para mag-guest sa Eat Bulaga para sa airing noong Hulyo 1, pero tumanggi ito, dahil
daw sa personal na dahilan.


Kahit hindi star-studded ang pilot airing sa TV5 ng “E.A.T” nina Tito, Vic, Joey at
Dabarkads, tinalo pa rin nito sa ratings ang It’s Showtime. Marami ang nakapansin
na mas gumanda raw at mas bumata ang mega star na si Sharon Cuneta sa unang
araw ng E.A.T.


Gaano kaya kahaba ang pisi ng TAPE pagdating sa pag-aabono? Malapit na
kayang matsugi ang Eat Bulaga sa GMA7? , tanong ng ilang vloggers.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Reading proficiency ng bansa, itaas – Gatchalian

DAPAT na iangat ang reading proficiency o kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa. Ito ang isinusulong ni Senador Win Gatchalian, dahil sa darating na Enero...