HIGIT 8.5 MILYON LOLO’T LOLA ANG MAKIKINABANG

BBM inutusan ang DBM na gamitin na ang halos ₱43-B pondo para sa health insurance ng mga senior citizen

Advertisement

INUTSAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na ilabas na ang halos ₱43 bilyong badyet para ilaan sa health insurance ng mahigit sa 8.5 milyong senior citizen sa buong bansa.

Kaagad namang inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang paglalabas ng kabuuang ₱42,931,355,000 para ibayad sa health insurance premium sa kuwalipikadong mga senior citizen.

“Sa simula pa lamang iniutos na ni Pangulong BBM at ito’y upang maging hayagan sa lahatna sisiguraduhin ng pamahalaan na suportado nito ang kapakanan ng mga senior citizen,” ayon pa kay Pangandaman.

“Ang mga may-edad nating kababayan ay mananatiling mahalaga sa ating lipunan kung saan sila rin noon ay nakapag-ambag ng malaki upang mapabuti ang buhay sa bawat komunidad. Dapat lamang na patuloy nating tulungan ang ating mga lolo at mga lola na manatiling malakas at malusog,” dagdag pa ng Kalihim.

BASAHIN  TINBO: Bagong pakete ng serbisyo para sa OFWs
Advertisement

Sinabi pa ng ahensya na may kabuuang ₱79 bilyon ang inilaan upang punan ang bayarin sa health insurance, kasama na ang mga senior citizen para sa taunang badyet ng bansa ngayong 2023.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10645 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, lahat ng senior citizen ay kailangang maging sakop na ng National Health Insurance Program (NHIP) ng Philippine Health Isnurance Corporation o PhilHealth.

Tiniyak pa ng DBM na may mapagkukunan pang kainakailangang pondo para maisama rin ang iba pang senior citizen na naunang hindi naisama sa sa kasalukuyang kategorya at ang perang ito ay magmumula sa Republic Act No. 10351 or the Sin Tax Law.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

2% lang sa mga Pinoy, may financial literacy—Gatchalian

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian na kailangang iangat ang financial literacyng mga Pilipino. Ito’y dahil sa malaki ang nai-ambag ng financial at insurance activities sa...