Tax sa yaman ng pinakamayayaman, pagtaas ng sin tax ipinanukala ni Diokno

Share

IPINANUKALA n Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na itaas ang buwis sa sin products, bilang kapalit ng dalawang porsyentong mababawas sa value-added tax (VAT) sa mga pangunahing bilihin lalo na sa pagkain.

Ang panukala ay bunsod ng isinusulong ng kanilang grupo na ibaba sa 10% mula sa kasalukuyang 12% ang VAT sa mga pangunahing bilihin upang bumaba ang presyo at direktang mapakinabangan ng lahat ng mamamayan.

Ayon kay Diokno, kayang ibaba ang value added tax (VAT) mula 12% hanggang 10% nang hindi pinapabayaan ang serbisyo publiko ng gobyerno sa halip buwisan ng mas mataas ang mga pangunahing pangangailangan.

Kabilang sa target taasan ng buwis ay ang mga bisyo tulad ng sugal, sigarilyo, alak at iba pa.

BASAHIN  Imee, dapat imbestigahan—Rep. Bongalon

Mungkahi rin nito na dagdagan ang buwis ng mga mayayaman sa pamamagitan ng pagpapataw ng wealth tax upang hindi ang pinakamahirap at middle class ang tatamaan ng krisis dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at habulin ang perang ninakaw ng mga mayayaman mula sa kurapsyon. (FELIX TAMBONGCO)

IBA PANG BALITA

Ethics complaint laban kay Dela Rosa puwedeng mabasura

MAY posibilidad umano na mabasura ang ethics complaint laban kay Senador Ronald dela Rosa sakaling magkusa siyang hindi na tumanggap ng sweldo at mga...

Argumento ni Marcoleta tablado kay Luistro

TINABLA ng House Justice Committee ang clarificatory question sa manipestasyon ni Sagip Party-list Rep. Paolo Henry Marcoleta na kumukwestyon sa proseso ng impeachment proceedings...

Asset ng mga banko sa Pilipinas nasa ₱29-T na

DAHIL sa pagtaas ng lending at paglipat sa pamumuhunan sa government securities, umabot na sa ₱29 trilyong ang kabuuang asset ng lahat ng bangko...

Higit ₱6-B transaksyon ni VP Sara, asawa kaduda-duda

SA PAGPAPATULOY na pagdinig ng House Committee on Justice ngayong araw ng Miyerkules, sinabi ng isang opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nai-flagged...

Romualdez pinagbawalang lumipad patungong Singapore

HINDI pinahintulutan ng Office of the Ombudsman si dating House Speaker Martin Romualdez na pumuntang Singapore para sana umano sa isang medical chek-up. Ito ang...