Truck ban sa Metro Manila, pag-iisahin ang oras; essential goods, tuloy-tuloy ang daloy

Share

Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at mga opisyal ng iba’t ibang lokal na pamahalaan bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang tuloy-tuloy na daloy ng mga sasakyang may dalang essential goods.

Sa pulong na pinangunahan ni MMDA Chairman Don Artes, napagkasunduan ang pagha-harmonize o pag-iisa ng oras ng truck ban sa buong Metro Manila.

Mananatiling exempted sa truck ban ang mga truck na may kargang essential at perishable goods upang hindi maantala ang suplay ng pangunahing pangangailangan.

Ipatutupad din ang moratorium sa pass-through fees para mabawasan ang dagdag-gastos sa transportasyon.

Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa Executive Order No. 110 s. 2026 o ang deklarasyon ng State of National Energy Emergency kung saan binibigyang-diin ang tuloy-tuloy at episyenteng paghahatid ng serbisyo at produkto.

BASAHIN  66 aplikante, hired on the spot sa selebrasyon ng Marikina City Day

Ginagawa ang mga ito sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East na nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng ilang bilihin. (AR BERNARDO)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Suspindido ang pagtanggap ng pirma sa PI — Comelec

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na sinuspindi muna nila ang pagtanggap ng signature sheets may kinalaman sa People’s Initiative (PI) para...