Totoo kaya ito? Isa umanong department head (DH) sa city hall ang nanganganib na masibak. Bilang na ang araw ika nga.
Bakit kanyo?
Hindi na daw siya kinakausap ni Yorme.
Ang dahilan, mukhang pinaniniwalaan daw ni Yorme ang mga chismax na nakarating sa kaniya na ito daw si DH ay may mga transaksyon na kakaiba.
Balita natin, ayaw daw bumaba nitong si DH. Madami daw mawawala.
Pero maniwala kayo, sobrang bait nitong si DH.
Baka nga naman may naiinggit lang sa kaniya at gustong mapunta ang puwesto kay…
Meron pa mga ka-Brabo. Mukhang hindi na rin daw nag-uusap itong si DH at ang nag-rekomenda sa kaniya kay Yorme.
Hmmmm. Kitba yaka?



