Male-maletang pera na ‘idine-deliver’ ng 18-ex-Marines sa bahay ng mga pulitiko nakuhanan ng litrato

Share

ITO ang kumakalat na mga litrato online kung saan sumusuporta umano sa sinabi ng 18 dating miyembro ng Philippine Marines sa isinagawang press conference kahapon sa Club Filipino sa San Juan City kasama si Atty. Levito “Levi” Baligod.

Si Baligod ang abogado na nakilala sa pagsampa ng kaso kay Janet Lim Napoles kaugnay sa kontrobersyal na PDAF scam na kinasangkutan ng mga pulitiko noong 2014.

Batay sa sinumpaang salysay ng mga sundalo, bilyon-bilyong pisong pera na nakalagay sa maleta ang ikinakarga sa helicopter at inihahatid sa iba’t ibang lugar.

Lumalabas sa record ng Civil Aviation Authority (CAA) na ang tinutukoy na helicopter ay isang Augusta Westland AW139 chopper, registry no. RP-C8111 na makikita sa litrato.

BASAHIN  2 barko ng Pinas nawasak, pambobomba ng China kinondena
Mga tauhan ng Misibis Aviation & Development Corp. (Contributed photo)

Sinabi pa sa ulat na ang nasabing chopper ay naka-rehistro sa Misibis Aviation & Development Corp, na pagmamay-ari mismo ng dating kongresista na si Zaldy Co at na ito rin ang ginagamit ng kumpanya para ihatid ang mga customer nito sa Misibis Bay Resort sa Albay.

Pagka-baba sa helicopter, dito na idine-deliver ng mga dating sundalo ang male-maletang pera kung saan pinatutuhanan nila ang nauna nang pahayag ng kasamahan nilang si Orly Guteza.

Ayon kay Guteza, nakapaghatid siya ng male-maletang pera sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez sa South Forbes Park sa Makati City.

Matapos ang testimonya, hindi na ngayon makita si Guteza.

IBA PANG BALITA

Help Desk ng IPOPHL pinasinayaan sa VMall

BUKAS na ang Help Desk ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) sa VMall, Greenhills sa San Juan City para sa Micro, Small and...

19 Disseminators sinanay ng PH Red Cross

LABING SIYAM na mga indibiduwal ang nakatanggap ng pagsasanay kung paano pasusulungin pa ang makataong pakikipag-ugnayan sa komunidad sa Disseminators Training na ginanap sa...

VP Sara: Ang totoong magnanakaw, sa maleta pinapasok ang pera

ITO ang tahasang sinabi ni Vice President Sara Duterte laban sa aniya’y mga naninira sa kaniya matapos ipresenta sa House Justice Committee ng mga...

DOJ: Zaldy Co hindi arestado sa Czech Republic

INAMIN ng Department of Justice (DoJ) na hindi arestado ng bansang Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co ngunit “nananatiling nasa...

Impeachment trial ni VP Sara pinaghahandaan na ng mga senador

KUNG titingnan ang kasalukuyang kalagayan sa ginagawa umano na “judicial inquiry” ng House Justice committee, tila naghuhudyat ito na tuloy-na-tuloy na ang impeachment trial...

Grocery discounts ng seniors, PWDs, taasan – Romualdez

₱65 lang na discount kada linggo. Ganito lang ang nakukuhang discounts ng senior citizens, at persons with disabilities(PWDs) tuwing bibili sila ng groceries. Dahil dito, nanawagan...