2 espesyalitang doktor tumugon sa ‘panawagan’ ng mga bata sa Cainta

Share

DALAWANG espesyalistang doktor ang kaagad na pumayag sa pakiusap ni Cainta Mayor Kit Nieto kaugnay sa matinding pangangailangan ng mga batang may sakit na matugunan ang isyung medikal.

Ipinagpasalamat naman ni Nieto ang ipinakitang positibong pagtugon at pagpapakita ng espiritu ng pagsasakripisyo-sa-sarili nina Dra. May Priscilla Cero at Dra. Ivy Bernardo.

Sa isang social media post sinabi ni Nieto na may lumapit sa kaniyang mga magulang para magpatulong dahil sa sakit na cancer, ang isa ay leukemia, ang isa naman ay lymphoma.

“Pinilit kong suportahan ang mga kelangan nila sa mga pribadong ospital. Pero mabigat talaga. Malaking pondo lagi ang katapat,” ang sabi ng alkalde sa Facebook post nito, Agosto 11, 2025.

Sinabi pa ni Nieto na pinakisuyuan niya si Dr. Antonio Jayson Sierra na humanap ng isang oncologist hematologist sa mga pribadong ospital para imbitahan na maging consultant sa OneCainta Municipal Hospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan.

“Ngayong umaga, sa dasal na rin marahil ng mga umaasang magulang, dumating si Dr. May Priscilla Cero sa buhay ng mga taga Cainta. Isa siyang pediatric hematologist oncologist,” sabi ng punong bayan.

“Kabado pa ko nung una baka di pumayag,” dagdag pa ni Nieto, “pero wala [pang] dalawang minuto pagkatapos ko ipahayag ang aking pakay, napapirma ko siyang magtrabaho sa atin. [Schedule] niya [ay] tuwing Sabado sa ating ospital.”

BASAHIN  7 katao patay sa landslide sa Monkayo, Davao de Oro

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang alkalde kay Cero at sinabing isa itong biyaya para matulungan ang mga batang may cancer.

“’Di mo alam doc kung anong biyaya ang dinala mo sa bayan ko para matulungan ang mga batang may cancer. Sobrang salamat sa ‘yo at maligayang pagdating sa Cainta,” dagdag pa ni Nieto.

Dr. Ivy Bernardo, isang obstetrician gynecologist kasama sina Mayor Kit Nieto at Dr. Antonio Jayson Sierra (Photo: Kit Nieto FB)

Samantala, tumugon din kamakailan lang sa panawagan ng alkalde si Dra. Ivy Bernardo, isang obstetrician gynecologist para magpatakbo ng birthing clinic sa kabubukas lang na Karangalan Super Health Center.

“Super ang tawag sa kanya kasi 24 hours a day ang operation dito. May laboratory at diagnostic procedures, may birthing clinic, at selected surgical operations para mabawasan ang mga pasyenteng dumadagsa sa ospital natin. Kung kaya na dito, dito na sila pupunta,” ang sabi ni Nieto.

Ayon pa sa punong bayan, unang beses itong nangyari sa isang health center na may sariling ob-gyne doctor at umaasang tatangkilikin na ang nasabing clinic dahil mayroon nang espesyalista.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Agad nating ayusin ang problema sa “toxic video” – Gordon

HINDI lang puro salita at panunumbat ang dapat gawin tungkol sa kahiya-hiyang paggamitng stock photos na kuha sa ibang bansa sa Love the Philippines...