HomeMetro Manila‘Yakap’ program ng PhilHealth...

‘Yakap’ program ng PhilHealth umarangkada na sa Mandaluyong

UMARANGKADA na sa Mandaluyong City ang Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP, isang programang pangkalusugan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hall bilang bahagi ng pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

Ang nasabing paglulunsad ay pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos, kasama ang mga kinatawan ng Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) at PhilHealth, kaninang umaga, Agosto 9 sa city hall.

Layon din ng nasabing programa na mas mapalawak pa ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan ng PhilHealth sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa bawat lungsod.

Ang YAKAP ay dating kilala bilang Konsultasyong Sulit at Tama o KonSulTa Program na mas pinalawak pa ang serbisyo at benepisyo para sa pamilyang Pilipino.

Nagpasalamat si Mayor Abalos sa hakbang na ito ng PhilHealth kasabay ang pagbigay ng suporta sa YAKAP Program at paghikayat na rin sa lahat ng Mandaleño na maging miyembro ng PhilHealth at magparehistro sa nasabing programa.

Lumahok sa nasabing aktibidad ang mga senior citizen, solo parent, benepisyaryo ng 4Ps, at mga persons with disabilities (PWDs) mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod na nakatanggap ng libreng serbisyong medikal tulad ng laboratory tests, CBC, chest X-ray, dental consultation, eye checkup. Sila ay nakatanggap rin ng oral health kits at mga gamot.

BASAHIN  DSWD, Cayetano naghatid ng tulong sa "Individuals in crisis"

Katuwang sa pagdaos ng Yakap sa Barangay ay ang City Health Department, City Social Welfare and Development Department, Office for Senior Citizens Affairs, at Schools Division Office.

Ang YAKAP sa Barangay ay isang malawakang aktibidad ng PhilHealth na nakatuon sa pagsasagawa ng konsultasyon at health profiling ng mga accredited Yakap Clinics sa ilalim ng pamahalaang lungsod.

Magiging daan din ito para sa onsite registration sa PhilHealth, pag-update ng datos ng miyembro, at pag-isyu ng PhilHealth ID.

Kabilang sa nasabing aktibidad ay ang maikling talakayan na pinangunahan ng PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) kung saan ipaliwanag ang mga benepisyo, karapatan, at mga serbisyong maaaring makuha ng publiko sa ilalim ng iba’t ibang programa ng PhilHealth kapag sila ay nagparehistro sa YAKAP Program.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA