- Advertisement -

Kumpanya na nagtapon ng ebak sa kanal kakasuhan, 3 katao arestado

- Advertisement -
Advertisement

SASAMPAHAN ng kasong sibil ni Mayor Kit Nieto ang di-pinangalanang kumpanya na nakabase sa Quezon City kasama na ang tatlong mga tauhan nito na nagtapon ng dumi ng tao sa kanal sa kahabaan ng Imelda Avenue sa Cainta, Rizal.

Nahuli ang tatlo nitong Lunes ng hapon, Hulyo 28, na naaktuhang nagtatapon mula sa tangke na nasa loob ng close van na ayon sa alkalde ay parang wala lang sa mga ito ang ilegal nilang ginagawa.

“’Yung kanilang way of doing it, naka-close van, tapos ‘yung close van, nandun sa loob ‘yung tank. We were able to apprehend them finally kahapon. ‘Yung iba nagkakaroon kami ng chase, hinahabol pero minsan hindi sila nahahabol,” pahayag ni Nieto sa panayam ng mga miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps.

“Parang ang feeling nila walang nakakakita. They just parked malapit sa manhole, tapos ilalagay nila ‘yung pipe nila, naka-hose, itatapon nila ‘yung laman. Imagine mo ‘yung health hazard na ginagawa nila. Well, nahuli rin finally, and they are from Quezon City,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi pa ni Nieto na inaresto nila ang tatlo in flagrante delicto at naiharap na sa piskalya matapos ang inquest proceedings dahil sa unlawful excretion, dislodging at hindi paggamit ng treatment facility nila para sa mga nakuha nilang human waste.

BASAHIN  Anak ng retiradong propesora, nagsalita na; mabilisang aksyon ng PNP, ipinagpasalamat
Advertisement

“Dapat nag-a-undergo ‘yun ng treatment facility para ma-process mo ‘yung kinuha mong dumi kasi it’s a health risk kung pababayaan na sa canal mapupunta ‘yan at sa mga imburnal natin,” dagdag pa ng punong bayan.

Batay sa imbestigasyon, ang mga dumi ng tao at mula sa mga septic tanks na kinuha sa iba’t ibang establisimyento na kliyente nila na malamang ay mula din sa iba’t ibang lugar.

Ayon pa kay Nieto, hindi ito ang unang insidente na naiulat sa kaniya at “we were able to apprehend them finally kahapon. ‘Yung iba nagkakaroon kami ng chase, hinahabol pero minsan hindi sila nahahabol,” dagdag pa niya.

Giit ni Nieto ang isasampang kaso ng Cainta LGU ay mga paglabag Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, Republic Act 9275 o Clean Water Act at Municipal Ordinance on Waste Segregation.

“Maybe P10 million to P15 million ‘yung damage na ipa-file namin just to bring out strongly ‘yung posisyon ng Cainta na ‘wag niyo gagawin ‘yan dito sa amin. Wala naman sa galang o hulog ang inyong ginagawa,” babala ni Nieto.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Alex Eala battles past Alycia Parks to advance at National Bank Open in Toronto

FRESH off her historic breakthrough title at the Mubadala DC Open, Philippine tennis star Alex Eala kept her winning momentum alive with a gritty...

TESDA, DMW, DOLE at OWWA, nagkapit-bisig para sa expanded skills-to-employment pathways para sa returning OFWs

ISANG Joint Memorandum Circular (JMC) ang nilagdaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Labor and...

Masustansiyang cake ipinamahagi ng Mandaluyong LGU sa mga bata, inang buntis

PINANGUNAHAN nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang distribusyon ng micronutrient-fortified cake sa mga bata at inang buntis, ngayong...

DepEd chief pushes ‘Brigada Eskwela 2.0’ and expanded labor support for storm-battered schools

EDUCATION Secretary Sonny Angara has called on Malacañang to expand emergency labor support to accelerate cleanup operations across public schools severely affected by the...

Kakaibang ‘World Cup’ sa NZ

NAKAPUKAW ng interes ng sambayanang Pilipino ang panalo ng Philippine team sa 2023 FIFA World Cup sa Wellington, New Zealand (NZ), kamakailan. Simula Agosto 25-27,...

San Juan City distributes free rubber shoes and PE uniforms to 13,000 students

MAYOR Francis Zamora spearheaded the distribution of free customized rubber shoes and physical education (PE) uniforms to 13,000 K–12 public school students on Monday,...
- Advertisement -