- Advertisement -

Cainta isinailalim na sa state of calamity

- Advertisement -
Advertisement

ISINAILALIM na sa state of calamity ang bayan ng Cainta matapos maranasan ng mga residente ang malawakang pagbaha sa halos lahat ng mga pangunahing kalsada at lugar sa nasabing bayan.

“Sinabihan ko ang Local Disaster and Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) at ang Sangguniang Bayan na agad na magpulong upang ihanda ang ‘Declaration of a State of Calamity for the Municipality of Cainta,’ ang pahayag ni Nieto.

Inaasahan na anuman ang mapagpasyahan ng nasabing deklarasyon ay agad na ipapatupad at maihatid ang mga kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad.

Bago nito, bumuo na ng iba’t ibang rescue group ang alkalde bandang alas-6 ng umaga gamit ang ipinadalang military truck at pag-aari ng munisipyo na mga plastic boat at aluminum boat.

Batay sa huling tala ng kalagayan, lubhang naapektuhan ng matinding pagbaha ang Karangalan Village, at Village East kung kaya dito idinispatsa ang plastic at aluminum boat.

Isinakay naman sa military truck ang mga na-stranded sa Imelda Avenue patungong Sta. Lucia sa Marcos Highway, Valley Golf area patungong Sta. Lucia, Green Park Subdivi sion, Bayanihan area at Don Mariano ganun din mula naman Sta. Lucia pabalik ng Junction.

BASAHIN  Unconsolidated, unregistered PUVs huhulihin—LTFRB
Advertisement

Umikot din si Nieto alas-4 pa lamang ng madaling araw at iniulat niya na hindi pa rin madadaanan dahil sa taas ng tubig baha ang mga lugar ng Village East, Sabungan, Cypress, Kasibulan, Dacon, Balai Sabungan, at Green Park Subdivision Zone 4 to 6.

Idinagdag pa ng punong bayan na maaari ng daanan ang mga lugar ng Ortigas Avenue, A. Bonifacio, Valley Golf, ROTC Hunters, Cainta Public Market, Brgy. San Roque, St. Anthony Subdivision, Summer Green, Sto, Niño, Youngstown, Madera 2 Homes, Policarpio, Pabton 1, Greenland at Greenpark Zone 1 to 3.

Dagdag pa ni Nieto na limang araw na di-umano siyang hindi pa umuuwi sa kanilang bahay dahil sa patuloy nilang pag-aasikaso hindi lamang sa rescue operations kundi pati na rin sa pangunahing pangangailangan ng mga nasasakupan nito.

Iniutos din niya sa health office ng munisipyo na magtatag ng Sundown clinic at mamahagi ng Doxycycline sa mga lumulusong sab aha upang maiwasan ang leptospirosis.

Iniulat din ni Nieto ang pagdagsa ng mga libreng pagkain mula sa mga restoran at itlog mula sa ilang indibidwal at ipinagpasalamat niya at sinabing ipapamahagi ito sa mga evacuation center.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

MMDA revives iconic ‘Love Bus’ as zero-emission fleet alongside new interactive gallery

FIRST Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos joined Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes and key Metro Manila officials on Wednesday to inaugurate...

Alternative treatment sa cancer—Robin

“BUKSAN ang kaisipan at maghanap ng alternatibong paggamot sa cancer.” Ito ang panawagan ni Sen. Robinhood "Robin" Padilla nitong Huwebes sa mga duktor, alang-alang sa...

Cayetano pushes Senate measure to revive investments, create quality jobs

IN a bid to steer the Philippine economy back on track, Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano has co-introduced a resolution establishing a dedicated...

Philippines targets new growth frontier with AstraZeneca partnership

THE Philippines is setting its sights on becoming Asia’s premier clinical research and life sciences hub, driven by an expanded strategic partnership between the...

Mayor Maan urges qualified professionals to join Marikina schools as full-time counselors

MAYOR Marjorie Ann “Maan” Teodoro has issued a call for qualified professionals to join the city’s public school system as full-time guidance counselors, aiming...

Viral ‘Cutie Bombelo’ mini firetrucks prove practical in tight alleys despite online pricing rumors

A compact three-wheeled firefighting vehicle affectionately dubbed “Cutie Bombelo” has gone viral across social media after footage demonstrated its capability to deliver and spray...
- Advertisement -