INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza kaugnay sa kinakaharap nitong kaso na cyber libel dahil umano sa pagpapakalat ng pekeng medical records ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dahil sa sakit na asthma, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na binibigyan ngayon ng atensyong medikal si Sonza habang nakaditine ito sa detention facility ng ahensya.
Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court (RTC) ng Pasay City kung saan ang cyber libel sa ilalim ng Article 353 ng Revised Penal Code ang naging basehan ng pagkaaresto sa dating mamamahayag, ayon kay Matibag.
Nilinaw pa ni Matibag na ang kasong nakasaad sa arrest warrant ay non-bailable at dahil holiday ngayong araw ng Biyernes, sa Lunes na umano maaaring asikasuhin ng korte.
Ayon kay Sonza, kararating niya lang umano sa kaniyang bahay sa Projet 8, Quezon City mula Davao City nang siya ay maaresto.
Sasampahan ng kaso si Sonza sa kasong Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances in relation to Cybercrime Prevention Act.
