PUMAREN HILING MAS MALALIM NA IMBESTIGASYON

₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

MAY posibilidad umano na higit sa ₱1 bilyon ang posibleng naipamigay sa mga “ghost riders” ng motorcycle taxi (MC taxi) dahil sa kawalan ng “clean list” o malinis na listahan kung saan nakitaan ng malaking diperensya batay sa nakalista na bilang ng mga benepisyaryo.

Ito ang lumabas sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Transportation na pinamumunuan ni Representative Franz Pumaren kung saan hinimay ng mga mambabatas ang mga ahensya ng gobyerno at transport network companies (TNCs) ukol sa malalaking inconsistencies sa listahan ng mga benepisyaryo.

Sa nasabing pagdinig, inamin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ang nasabing inconsistencies ay maaaring magresulta sa maling pamamahagi ng bilyon-bilyong piso.

Dagdag pa ni Gatchalian, hindi aniya tulad ng mga nakaraang programa kung saan ang ahensya mismo ang nagsasagawa ng beripikasyon, ang kasalukuyang listahan ay nagmula sa mga external na pinanggalingan gaya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at TNCs—na nagdulot ng seryosong isyu sa integridad ng datos.

Tinawag ng kalihim ang naturang listahan bilang isang “junk list,” na puno ng duplicate entries, magkakaibang bersyon ng pangalan, kulang na detalye, at magkakasalungat na birthdates. Karaniwan umano ito sa mga app-based riders na nakarehistro sa maraming platform, kung saan ang iisang tao ay maaaring lumitaw nang maraming beses sa listahan.

Kaya upang matiyak na hindi nila maibigay sa mga “multong rider” ang ayuda, nagpatupad ang ahensya ng manual verification kung saan kinailangang personal na magpakita ang mga benepisyaryo at magpakita ng valid ID upang matiyak ang kanilang pagkakakilanlan.

Ayon pa kay Gatchalian, kung hindi nila naharang ang sistema, aabot sa ₱2.7 bilyon ang maaaring maling naipamahagi sa pamamagitan ng digital payouts.

Ang ikinababahala pa ng ahensya ayon sa kalihim ay na nasa 20% ng mga nakalistang benepisyaryo ang hindi pa nakakakuha ng kanilang ayuda—na lalong nagpapalakas ng hinala na may mga entry sa listahan na hindi tunay na tao.

Dahil dito, sinabi ni Pumaren na kailangan ng mas malalim pa na imbestigasyon sa Kongreso upang tukuyin ang pananagutan, lalo na ng mga platform na nagsumite ng datos.

Iginiit naman ng ilan pang mga mambabatas na dapat higpitan ang mga mekanismo ng beripikasyon upang maprotektahan ang pondo ng bayan at hindi basta basta umasa sa datos mula sa third-party upang maiwasan ang pandaraya at pag-abuso.

Sa kabilang banda, nanindigan ang DSWD sa kanilang commitment na tiyakin ang integridad sa pamamahagi ng ayuda sa pamamagitan ng mas mahigpit na validation process, habang patuloy na nananawagan ang iba’t ibang sektor para sa transparency at accountability.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...