KALINGA bill ni Dy-Marcos proteksiyon sa suplay ng pagkain

Magiging matatag ang suplay ng pagkain at presyo ng logistic sa ilalim ng KALINGA bill na panukala ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos.

Ang House Bill No. 8834 ay magtatatag ng KALINGA Program kung saan ito ay may pitong components fuel price stabilization; energy supply security and inventory management; targeted assistance; essential goods and logistics stabilization; MSME energy relief and business continuity; energy conservation and demand reduction; at flexible fiscal and regulatory measures.

Ayon kay Dy nakapaloob sa panukalang KALINGA Act ang mga hakbang na patatagin ang suplay ng pagkain at presyo ng logistik, at nagbabala rin na ang pagtaas ng presyo ng gasolina ay mabilis ang epekto sa pagtaas naman ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Batay sa Section 8 ng panukalang batas ay ang magtatag ng Essential Goods and Logistics Stabilization Component, na magbibigay suporta sa transport at distribusyon ng essential goods, buffer stocking, shipping and inter-island logistics support, cold chain systems, at priority fuel allocation para sa food supply chains.

Ang component na ito ng panukalang batas ay mahalaga para makontrol ang inflation sa pagkain.

“Kapag tumaas ang presyo ng diesel, tumataas ang gastos sa transportasyon ng pagkain. Eventually, consumers ang naaapektuhan. We must stabilize logistics to stabilize prices,” ayon kay Dy.

“The KALINGA bill prioritizes the movement of essential goods so supply chains remain stable even during fuel shocks. Para matiyak na tuloy-tuloy ang supply ng pagkain sa mga pamilihan, mapigilan ang pagtaas ng gastos sa transportasyon, at maprotektahan ang mga pamilya laban sa biglaang pagtaas ng presyo.”

Kapag nasiguro ang matatag na supply chain ay protektado ang producers at consumers.

“This prevents disruptions, keeps food moving, and helps control inflation,” ayon sa Speaker. (KARLO GARCIA)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...