Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City, Abril 25, 2026.

Kinilala ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas Jim, 25, at residente ng Teresa, Rizal.

Batay sa imbestigasyon, Abril 24, 2026 dakong alas-11 ng gabi ng iniwan ng 27-anyos na biktima ang motorsiklo nito sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City. 

Laking gulat na lang nila nang pagdating ng kapatid ng biktima nang mag-uumaga na ay natuklasan nilang nilooban sila at natangay ang 2 mobile phone at ang motorsiklo na gamit sa pamamasada ng biktima.

Kalaunan nakatanggap ang pamilya ng biktima ng mensahe mula sa suspek na humihingi ng pera kapalit ng pagbabalik ng mga ninakaw nito at naglaan ng e-wallet number para ihulog ang pera. 

Matapos ireport sa mga otoridad, kaagad na nagsagawa ng follow-up operation ang Antipolo Component City Police Station at natunton sa bahay nito ang suspek. 

Narekober ng mga otoridad ang lahat ng ninakaw ng suspek. 

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Custodial Facility ng Antipolo Component City Police Station para sa inquest proceedings kaugnay sa mga isasampang kaso laban sa dito. 

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...

Help Desk ng IPOPHL pinasinayaan sa VMall

BUKAS na ang Help Desk ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) sa VMall, Greenhills sa San Juan City para sa Micro, Small and...