ANG PERA AY DAPAT NASA BANGKO

VP Sara: Ang totoong magnanakaw, sa maleta pinapasok ang pera

ITO ang tahasang sinabi ni Vice President Sara Duterte laban sa aniya’y mga naninira sa kaniya matapos ipresenta sa House Justice Committee ng mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council ang umano’y bilyon-bilyong pera na pumasok sa bank account.

Sa nasabing hearing, kinumpirma ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, na nasa 6.7 bilyon ang “suspicious” at “covered” bank transactions ang iniuugnay sa bise presidente at kanyang asawa.

“Simple lang ang sagot ko sa lahat ng paninira. Malinis ang aking service record; hindi ako kailanman nagkaroon ng kaso sa paggamit ng pondo ng bayan,” ayon kay VP Sara.

“Lahat ng aking ari-arian at pera ay idineklara ko sa aking SALN. Ang bawat sentimo ay mula sa lehitimong pinanggalingan at may kaukulang dokumento,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.


Binuweltahan din ng pangalawang pangulo si dating senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa mga sinabi nito sa impeachment hearing sa Kongreso na tumanggap umano ang pamilya Duterte ng 180 milyon mula sa drug lord.

Ayon kay VP Sara, 2016 pa ang mga akusasyong ito ni Trillanes at ang pagkakaiba lamang aniya ay na may makinarya na ito na nasa likod niya kung saan ang tinutukoy nito ay ang nakaupong pangulo.

“Ang sunod-sunod na alegasyon at kaso laban sa akin ay nagsimula matapos akong umalis sa Gabinete, sa panahong tumanggi akong pumirma sa isang pambansang budget na hindi ko kayang ipagtanggol sa taumbayan,” sabi pa ng bise presidente.

Pinuna pa ni VP Sara ang kawalan umano ng malinaw na sagot ng administrasyon ukol sa bilyon-bilyong piso na anomalya sa flood control projects, solusyon sa pagtaas ng presyo ng bilihin, direksyon sa usapang pangkapayapaan sa Mindanao.

Hindi rin pinaligtas ng pangalawang pangulo ang isyu kaugnay sa kung ano ang agarang aksyon sa mga [kaliwa’t kanang] krimen na patuloy na nararanasan ng bansa.

IBA PANG BALITA

Help Desk ng IPOPHL pinasinayaan sa VMall

BUKAS na ang Help Desk ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) sa VMall, Greenhills sa San Juan City para sa Micro, Small and...

19 Disseminators sinanay ng PH Red Cross

LABING SIYAM na mga indibiduwal ang nakatanggap ng pagsasanay kung paano pasusulungin pa ang makataong pakikipag-ugnayan sa komunidad sa Disseminators Training na ginanap sa...

DOJ: Zaldy Co hindi arestado sa Czech Republic

INAMIN ng Department of Justice (DoJ) na hindi arestado ng bansang Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co ngunit “nananatiling nasa...

Impeachment trial ni VP Sara pinaghahandaan na ng mga senador

KUNG titingnan ang kasalukuyang kalagayan sa ginagawa umano na “judicial inquiry” ng House Justice committee, tila naghuhudyat ito na tuloy-na-tuloy na ang impeachment trial...

DSWD: ₱2.7-B ang nawalang pera para sa mga rider kung idinaan sa e-wallet

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posible umanong nawala na parang bula ang halos ₱3 bilyong financial assistance para sa...