Gapangan para hindi pumirma sa flood control report ibinulgar ni Lacson

IBINULGAR ni Senate Pro Tempore Panfilo Lacson na may gumagapang umano na senador para himukin ang ilan sa kanilang mga kasamahan na huwag pumirma sa partial report ng blue ribbon committee kaugnay sa kanilang isinagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Batay sa pinakahuling tala, tatlong pirma na lang ang kailangan para maisalang na sa plenaryo ang nasabing report.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Lacson na ang nasabing impormasyon ay galing kay Senate President Vicente Tito III na tumutulong sa kaniya para makakuha ng kinakailangang lagda.

“May nakausap siyang isa at tinanong niya dahil malapit sa amin. Ang pagkasabi sa kanya, pasensya na kasi napakiusapan ako ng isa sa minority ngayon na dati naming kasama sa majority,” ang pahayag ni Lacson sa isang panayam sa DWIZ.

Bagama’t hindi pinangalanan ni Lacson ang mga senador, sinabi niya na ang nakikiusap umano ay mula sa hanay ng minorya.

Ang minorya sa senado ay sina Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, Imee Marcos, Ronald Dela Rosa, Bong Go, Joel Villanueva, Robin Padilla, Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada.

Sa kasalukuyan, sina Sotto, Lacson, Erwin Tulfo, Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros pa lamang ang mga senador na nakapirma na sa nasabing partial report.

“May disappointment pero mas nananaig yung naiintindihan ko yung situation nila kasi alam mo, tao lang naman tayo. Laging may human factor, human element na magseset in. Di natin maiwasan yun. Mayroon tayong kaibigan, malapit man o hindi, na gusto nating pagbigyan,” dagdag pa ng senador.

Matatandaan na nitong Pebrero iniurong ng tatlong senador na sina Migz Zubiri, Sherwin Gatchalian at JV Ejercito ang kanilang lagda sa nasabing partial report sa iba’t ibang kadahilanan.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...